Maingay na tambutso ng motorsiklo sa San Rafael, winasak!

0
48

SAN RAFAEL, Bulacan — Aabot sa 205 modified tambutso o improvised muffler (pipe)  ng motorsiklo ang dinurog ng mga awtoridad makaraang pasagasaan ito sa isang pison sa nasabing bayan nitong Huwebes (Nov. 19).

Ayon kay P/Supt. Ferdinand Germino,. San Rafael chief of police, ang mga winasak na mga modified na tambutso ay nakumpiska sa nakalipas na ilang araw na pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa maiingay na tambusto ng motorsiklo.

Binigyan diin naman ni Germino na ang pagkumpiska ng mga open pipe mufflers ay bilang kabahagi ng pinaigting na kampanya ng pulisya at lokal na pamahalaan.

“Kasi marami ang nagkalat na mga ganyan ngayon lalo na sa gabi. Hindi makapag-aral mga bata sa sobra ingay mga tambutso nila, tapos ginagamit sa drag racing ang iba niyan,” sadd pa ni Germino.

Dagdag pa ng masipag ng hepe ng San Rafael na tuloy tuloy ang operation namin laban sa mga improvised muffler para na rin sa kapakanan ng ating mga kababayan na gustong magpahinga sa gabi na nagagambala dhil sa ingay ng mga tambutso. (RONDA BALITA Online)

Previous articleHistorical Bicentennial Park, binuksan na sa publiko
Next articleMayor JSS at Atty. Alcaraz, nagpamahagi ng tulong sa Bocaue
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here