Home Kakampi Ng Masa Mainstream media natatalo na ng social network

Mainstream media natatalo na ng social network

24
0
SHARE
Opinion Column by Thony DP Arcenal.

MGA ’igan kumbinsido ang ilang kilalang personalidad pagdating sa pamamahayag na naungusan na ng social network ang mainstream media bilang epektibong medium ng komunikasyon sa kasalukuyang panahon.

Ngunit kahit naman malawak ang nararating ng social media, higit pa ring epektibo ang personalidad ng isang kandidato sa May 2019 elections.

Ayon nga kay dating Immigration Deputy Commissioner Marc Red Mariñas, mas malakas pa rin ang impact ng mga kandidatong nagtutungo sa mga bahay at personal na nakikipag-usap sa mga mamamayan.

Dahil personal na nakikita ang pangangailangan o suliranin ng mga taong-bayan.

Sa panahong ito,hindi na mahirap ang paghahanap ng mga impormasyon na may kaugnayan sa ibat ibang pangangailangan.

Halimbawa ang mga mag aaral,na may importanteng kailangan sa kanilang mga aralin.

Maging ang pagkalap ng impormasyon sa ibat ibang lalawigan partikular sa mga datus nang bawat bayan,mula sa Mayor down to the councilors hanggang sa Kapitan del barrio at kagawad.

Malinaw na sa publiko na ang social network, ay madaling ma akses,ang mga impormasyong kapaki-pakinabang sa lahat.

Bukod pa ang mga balitang nais nilang malaman mula sa mga lugar sa buong mundo.

Marami nang pinatunayan na ang social netwok sa pinaka mabilis na tools sa iba pang impormasyon.

Gayunman kailangan pa rin ang matinding pag hahanap ng impormasyon upang ma double check gamit ang social Network.

Para sa inyong mga reklamo at impormasyon mag send lamang sa thony.arcenal@gmail.com (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articlePugad ng Agila, nakahanda na!
Next articleApolitical ang barangay
THONY DELA PEÑA ARCENAL was born in Majayjay, Laguna but lives in Malolos City, Bulacan. Studied at Polythecnic University of the Philippines. A stringer of TV5, radio reporter of DZME 1530 and contributor of Filipino Mirror and Parazzi national newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here