Home Showbiz Maja Salvador malapit na ring ikasal!

Maja Salvador malapit na ring ikasal!

62
0
SHARE

PAGKATAPOS pag-usapan ang engagement nina Angel Locsin at Neil Arce, heto at usap-usapan na rin sa showbiz circle na nag-propose na umano ang non-showbiz boyfriend ni Maja Salvador na si Rambo Nunez sa kanya.

Lumabas ang engagement rumors sa dalawa nang magbakasyon ang dalawa kamakailan sa Europe.

Nang tanungin ang 30 years old Kapamilya actress hinggil sa estado nila ni Nuñez sa storycon ng kanyang next teleserye, ani Maja ‘super happy siya.’

Hindi man niya tuwirang sinagot kung engage na sila ng non-showbiz bf makikita naman sa kanyang daliri na may suot siyang engagement ring na kitang-kita sa ibinahagi nilang photos nu’ng sila ay nasa Europe.

Malamang din daw na magpakasal na sila soon, dahil ang mga kaibigan binubuyo raw sila ng mga kaibigan ng kanyang boyfriend.

Nagbiro pa si Maja, “Patay siya kay Killer Bride,” ang title ng next teleserye ng Kapamilya actress after ng ‘Wildflower.’

Makakasama ni Maja sa serye sina Janella Salvador at Joshua Garcia.

By the way, how true na ipinaalam pa ni Joshua kay Julia Barretto na si Janella ang kanyang makaka-love team sa nasabing teleserye?

Nagkabalikan na ba sila? Hindi ba’t sila na rin ang nagsabing balik ‘magkaibigan’ na lang daw muna sila.

Well… well… ganyan talaga ang showbiz. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articlePRO-3 slams group’s EJK claim, says cops’ lives also at risk
Next articleRegine at Sarah magsasama sa pelikula
BETH Gelena was a formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section under Julie Fe Navarro for almost two decades. Beth decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become freelance and full-time showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. She is now entertainment writer of Bulgar newspaper. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here