Home EXTRAFONTS Makasaysayang summit nina Trump at Kim

Makasaysayang summit nina Trump at Kim

163
0
SHARE
Opinion Column by Manny Camua Dela Cruz

MATAGAL na inabangan ng buong mundo ang summit nina North Korea dictator Kim Jong Un at US President Donald Trump, at nangyari nga ang pinakaaabangang event

Hindi pa isinasapubliko ang resulta ng pag-uusap ng dalawa, pero naniniwala ang maraming lider sa mundo na positibo ang resulta ng naturang summit.

Ang sentrong usapin na isinalang sa miting ng dalawang popular leader ay ang usaping denunclearization sa Korean peninsula. Sa palagay ng mga political analyst ay nahimok ni Trump ang Korean leader na itigil ang nuklearisasyon sa naturang rehiyon.

Matatandaan na pinatawan ng economic sanctions ng United Nations ang North Korea dahil sa ginawa nitong pagpapalipad ng intercontinental ballistic missile. Kinondena ng iba’t ibang bansa na kasapi ng UN, ang naturang hakbang ng NoKor.

Marahil nga ay nahimok na si Kim sa denulclearization sa Korean peninsula, ang hirit naman ng NoKor leader ay ang pag-alis ng economic sanction na ipinataw sa kanila ng UN.

May pangako naman daw si Trump na pagbigyan ang kahilingan ni Kim, dahil tutupad naman ito sa demand ng US at UN tungkol sa usaping denuclearization, kaya magandang development ito para sa mga pinuno ng iba’t ibang bansa na nagsusulong ng kapayapaan.

Marahil ay naramdaman na rin ni Kim ang kahirapang nararanasan ng kanyang nga kababayan dulot ng eco-sanction. Isa pa, mahirap mahiwalay sa kulumpon ng mga magkakaibigang bansa sa mundo. Kung ang paggawa lang ng armas nukleyar ang kanilang pauunlarin, na.maghihiwalay sa kanila sa bigkis ng UN, mabibigo sila sa kanilang pangarap na maging maunlad na bansa, tulad ng kaibigan nilang China.

SHARE
Previous articleWalang katapusang problema sa basura
Next articleAng Malolos sa likod ng mga kasaysayan ng lahing Pilipino
SI Manny Camua Dela Cruz ay hindi nag-aral ng kursong dyornalismo, subalit naging bihasa sa pagsusulat ng balita, lathalain at sanaysay. Ang kanyang talento ay pinanday ng mahabang karanasan sa larangan ng pamamahayag: Photo journalist sa simula; kalaunan ay naging provincial correspondent ng iba't ibang mga pahayagang nasyonal, naging reporter ng national dailies sa Kamaynilaan at naging editor ng national tabloid, naging editor ng national weekly news magazine. Sa kasalukuyan ay editor/editorial consultant ng ilang provincial-based newspaper sa Bulacan, kolumnista at contributing editor/writer nitong Ronda Balita Online/Weekly Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here