Makatugon kaya ang mga kapitan sa Road Clearing Operation 2.0

0
145
An opinion column by Louie C. Angeles

ISANG malaking hamon sa lahat ng Punong Barangay sa buong bansa ang 75 araw na itinakda para sa 2.0 Road Clearing Operation na kautusan ni DILG Secretary Eduardo Año na linisin ang mga Pampublikong kalsada na kung saan dapat ay alang sagabal sa National Road, tulad ng mga terminal ng jeep at tricycle.

Tila maraming tatamaan sa direktibang ito kung saan madami talagang problema sa mga barangay lalo na sa McArthur Highway kung saan lahat ng kanto ay pinaparadahan ng iba’t bang uri ng mga sasakyan.

Maging ang ilang mga terminal ng tricycle sa ilang bayan na kung saan ito ang nakapagdudulot ng trapiko sa national highway dahil kapag walang bantay na traffic enforcer ay patakas na pumipila sa highway ang mga tricycle.

Ganun din naman ang ilang pasaway na mga caller ng pampasaherong jeep sa McArthur Highway na ginagawa ng terminal ang bawat kanto na nagdudulot din ng obstruction sa naturang mga lansangan.

Dito dapat na maging mapagmasid din ang mga barangay sa kahabaan ng McArthur Highway dahil kadalasan na ang problema ng obstruction ay sa national highway.

Batay sa MC 2020-27 target sa Clearing Operation ang mga terminal at mga paradahan sa mga national road.

Kaya huwag tutulog-tulog ang mga Punong Barangay dahil mapapatawan agad kayo ng Show, Cause, Order kapag hindi kayo nakasunod sa kautusang ito ng DILG.

Dito na masusukat ang tunay na kakayahan ng isang matinong Punong Barangay na kaya niyang tumalima sa pagsasaayos ng lansangan sa kanyang nasasakupan.

Sa mga DILG officer sa mga bayan at siyudad, sana ay mahigpit na maipatupad ang kautusang ito ni Secretary Año, dahil pati ilang munisipyo pa ang mismong public market nila ay sagabal sa national highway at hindi masuheto ang illegal parking ng mga tricycle at pribadong sasakyan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here