Makulay, masaya na Buntal Festival sa Baliwag

0
189

IPINAGDIWANG kamakailan ng bayan ng Baliwag ang taunang selebrasyon ng Buntal Festival na pinangunahan ni Mayor Ferdie Estrella na nagwagi ng kanyang ikalawang termino nu’ng nakaraang halalan.

Dahil ang Baliwag ay isang bayang may mayamang kalinangan pagdating sa kultura, tradisyon at kasaysa­yan­ kaya isang reso­lusyon ang pinanukala para sa taunang pagdiriwang ng Buntal Hat Festival.

Hindi rin naman maitatanggi na isa itong Buntal Festival ang pinagmamalaki ng mga Baliwagenyo kaya ito ay mas pinasaya at naging makulay na pagdiriwang ngayong taon.

Siksik sa mga naging aktibidades ang naganap na talaga namang sinaksihan hindi lang ng mamamayan ng nasabing bayan kundi pati ang mga kalapit lugar.

Tuamgal ng limang araw ang selebrasyon na sinimulan ng Mayo 27 hanggang Mayo 31. Merong Partners Night, Araw ng Barangay, Araw ng Magsasaka, Dangal ng Baliwag at ang Baliwag Musical Festival.

Pinag-isipan, pinaga­n­da ang kada programang iprinisinta sa taumbayan sa pangunguna mismo ni Mayor Estrella katuwang ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag.

Hindi magkamayaw sa saya at panonood ang mga Baliwagenyo mula simula ng festival hanggang sa matapos ito. Tunay na kakaiba ang mga palabas na ipinakita kaya naging bukambibig na ito ng mga Baliwagenyo.

Mabuhay ang Buntal Hat Festival. Mabuhay ang bayan ng Baliwag. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here