Home EXTRAFONTS Mala-summer na September

Mala-summer na September

11
0
SHARE
Opinion Column by Manny Camua Dela Cruz

MAY taong nagtanong sa akin kung bakit daw mainit ang klima, gayong matatapos na ang buwan ng Setyembre. Dapat daw ay malamig na dahil papahina na ang hanging habagat.

Sabi na niya, napansin daw niya na hindi na sa timog-kanluran nanggaling ang hangin kundi gawing silangan nagpopondo ang cumulus cloud at doon din nanggagaling ang hangin.

Natatandaan ko pa ang weather forecast ni Ka Ernie Baron, noong nabubuhay pa siya tuwing buwan ng Setyembre. Sabi ni Ka Ernie, sa ganitong buwan daw nagsisimulang mamahinga ang habagat.

Sa panamahinga anya ng habagat ay iiral naman ang easterly wind, ang tuyong hangin na galing sa silangan. Tinawag ding easterlies ang hanging silangan.

Ito ang hanging tuyo na humahalik sa pisngi ng Dagat Pasipiko, kaya kapag nakarating ang hangin sa kalupaan ay nakakaramdam tayo ng mainit na panahon.

Habang umiiral ang easterlies, hindi tayo makakaramdam ng halumigmig na panahon at para tayong nasa panahon ng tag-araw.

Ang easterlies kasi ay aktibo rin sa panahon ng tag-araw kaya kung ano ang klima sa tag-araw ay iyon din ang klima na ating nararamdaman tuwing buwan ng Setyembre.

Kaya kung mainit man ang panahon ngayong buwan ng Setyembre, panandalian lang ito upang hintayin naman ang pagpasok sa bansa ng malamig na hanging habagat.

SHARE
Previous articleSi Vice Rec-Rec wala raw panalo. Bakit tapos na ba ang laban?
Next articleKapwa alkalde sa lalawigan ng Bulacan, naghahalikan!
SI Manny Camua Dela Cruz ay hindi nag-aral ng kursong dyornalismo, subalit naging bihasa sa pagsusulat ng balita, lathalain at sanaysay. Ang kanyang talento ay pinanday ng mahabang karanasan sa larangan ng pamamahayag: Photo journalist sa simula; kalaunan ay naging provincial correspondent ng iba't ibang mga pahayagang nasyonal, naging reporter ng national dailies sa Kamaynilaan at naging editor ng national tabloid, naging editor ng national weekly news magazine. Sa kasalukuyan ay editor/editorial consultant ng ilang provincial-based newspaper sa Bulacan, kolumnista at contributing editor/writer nitong Ronda Balita Online/Weekly Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here