Home EXTRAFONTS Malakas ang dating ni Bong Go sa masa

Malakas ang dating ni Bong Go sa masa

348
0
SHARE
Opinion Column by Manny Camua Dela Cruz

SAANMANG dako ng bansa magtungo si Special Assistant to the President Christopher Lawrence “Bong” Go, ay siya ang bukambibig ng mga tao sa mga bayan, mga siyudad at mga barangay na kanyang pinupuntahan.

Kamakailan lang ay naging panauhin si Bong Go, sa isang sports events sa Malolos Sports and Convention Center. Halos mapuno sa dami ng tao ang loob ng sports center na pawang nakasuot ng t-shirt na may tatak na “Let’s Go Bong Go”.

Mistulang artista nang salubungin ng mga Maloleño si Go sa kanyang pagdating sa naturang gymnasium. Nakasuot na unipormeng pang-basketball si Go, nang ito ay pumagitna sa hardcourt at magsalita ng pagbati at ilang paalala.

Bago maglaro ng basketball si Go, sinabi niya na patuloy niyang sinusuportahan ang adhikain ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang paglaban sa droga, krimen at katiwalian.
Ang team ng mga basketbolistang Maloleño, ang kalaban ng team Bong Go. Sinamahan sila ng PBA legends na tulad nina Allan Caidic, Alvin Patrimonio at Dondon Ampalayo.

Sa Malolos team ay kasamang naglaro sina Mayor Christian Natividad at si Vergel Meneses. Kahit maliit, maliksi kung maglaro sa hardcourt si Go. Mahusay siya sa three point shot, kung saan mahigit sa 20 puntos ang kanyang nagawa na pawang three points. Nakapasyu-shoot din siya ng bola sa ring sa pamamagitan ng lay-up.

Pero ang naging highlight ng nasabing palaro ay ang hamon ni Bong Go, sa mga manonood: Babae, lalake, bakla tomboy kung magagawa nilang i-shoot ang bola sa ring mula sa gitna ng hardcourt. Ang premyo ay 100 libo, 50 libo at sampung libo. May mga kabataang player na nakapag-shoot, pero ang kahanga-hangang ginawa ni Go ay nang sabihin niya sa isang participant na babae na hindi nagawang maibato ang bola.

Ang ginawa ni Bong Go ay sinabi sa babae kalahok na kung maisu-shoot niya ang bola mula sa gitna ng court ay ibibigay niya ang 100 libo sa contestant at sa kanyang mga kasama. Laking gulat ng mga manonood nang ma-shoot ni Bong Go ang bola sa gayong kalayong distansiya.

Dahil doon, maraming kababaihang kalahok ang kumita ng araw na iyon, kabilang ang kasama nating reporter si barangay Kagawad Lalaine Santos. Ang swerte nga naman ay dumadating na kusa pero kami nina Teofel, Manny Balbin at ako ay bahagya nang pinalad ng araw na iyon.

SHARE
Previous articleTulay sa San Jose Del Monte, malapit nang bumigay!
Next articlePabahay para sa mga sundalo at kapulisan, gusto na namang okupahan ng Kadamay
SI Manny Camua Dela Cruz ay hindi nag-aral ng kursong dyornalismo, subalit naging bihasa sa pagsusulat ng balita, lathalain at sanaysay. Ang kanyang talento ay pinanday ng mahabang karanasan sa larangan ng pamamahayag: Photo journalist sa simula; kalaunan ay naging provincial correspondent ng iba't ibang mga pahayagang nasyonal, naging reporter ng national dailies sa Kamaynilaan at naging editor ng national tabloid, naging editor ng national weekly news magazine. Sa kasalukuyan ay editor/editorial consultant ng ilang provincial-based newspaper sa Bulacan, kolumnista at contributing editor/writer nitong Ronda Balita Online/Weekly Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here