Home Lady Gaga Malapit na ang panahon ng Habagat

Malapit na ang panahon ng Habagat

356
0
SHARE

PAGSAPIT ng buwan ng Hunyo, unti-unti na nating mararamdaman ang pag-ihip ng hanging habagat o southwest monsoon kaya dapat na ring maghanda ang mga kababayan natin sa low-lying areas tulad ng CAMANAVA.

Itong erya na ito ang palaging binabaha at may kasabihan nga kami sa Metro Manila na umihi lang daw ang pusa ay tiyak na babaha sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA).

Dahil mababa ang naturang lugar, kapag bumanat ang siyam-siyam na ulan na dulot ng habagat ay magtatakbuhan na naman sa evacuation centers ang mga residente na namumuhay sa flood prone area ng CAMANAVA.

Bakit nga ba bahain ang lugar na iyan? Sa aking pagkakaalam, ang CANANAVA ay maututuring na coastal area. Bakit nagkagayon? Malayo naman sa Manila Bay ang Caloocan at Valenzuela?

Ayon sa matatandang tagaroon, dating latian daw ang CAMANAVA area. Ibig sabihin, ang naturang lugar ay tinutubuan pa noon ng mga puno ng sasa. Pero simula nang dumami ang mga naninirahan at tinambakan ng lupa ang dating maburak na lugar ay naging populated area na ito na dating sakop ng probinsiya ng Rizal, maliban sa Valenzuela na dating bahagi noon ng Bulacan.

Kaya huwag magtaka kung bakit nangyayari na kapag mataas ang antas ng dagat o high tide ay umaahon ang tubig-dagat sa kalsada kahit tag-araw, kaya kapag nagkasabay ang high tide at habagat ay malaking bahagi ng CAMANAVA ang lubog sa tubig at ang panahong ito ang dapat na paghandaan. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here