Home Katropa Rumoronda Malapit ng matapos ang gusali ng City College of San Jose

Malapit ng matapos ang gusali ng City College of San Jose

19
0
SHARE
Opinion Column ni Vic  Billones lll

NKATANGGAP ang Katropa ng impormasyon mula sa City College of San Jose Del Monte, na matatagpuan sa Barangay Minuyan proper, Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) Bulacan. Batay sa ‘info’ ang mga kinakailangan sa admisyon ng mga mag-aaral, para makapasok sa nasabing Kolehiyo, ay ang mga sumusunod: Isang ‘bona fide resident’ ng LSJDM (kailangan na mag-‘present’ ng Voter’s ID, o dili kaya’y mula sa magulang o gumagabay, o ‘student’s voter’s ID. Kung wala ay mag-sumite ng Certificate of Registration, na ibinigay ng Commission on Elections.) Graduate of Senior High School (kailangang magpakita ng ‘School documents,’ tulad ng diploma. ID at ‘Form’ 137.) Kailangang pumasa sa Entrance Examination at ‘interview.’ Ang bayad sa admisyon ay P200.00.

Anumang katanungan tungkol sa ‘tuition fee at discount’ gayundin ang kanilang ‘program offerings, Application period’ at iba pa ay maaaring makipag-ugnayan sa telepono bilang (044) 815-6543.

Tsk! Tsk! Tsk! Kamakailan ay nagpunta sa lugar ang mga ‘big guns’ ng naturang paaralan, upang magsagawa ng ‘ocular inspection’ sa itinatayong gusali. Batay sa nakalap nating mga impormasyon, ang nasabing gusali ng City College of San Jose Del Monte, ay unti-unti ng nabubuo, at sa madaling panahon pa, ito ay maguumpisa na ng operasyon. “Isang kaganapang maituturing ang pagkakaroon ng kolehiyo sa Lungsod,” wika ni Dr. Dennis Booth, City Administrator (CA,) LSJDM.

Masikap at may pangarap para sa mga San Josenios ang Administrasyon na pinamamahalaan ni Mayor Arturo Robes, isama na natin ang kanyang katuwang na si Congw Rida, VM Efren Bartolome, Jr., at ang masipag at matalinong si CA Dr. Booth. Saludo kami sa inyo!

Makikita sa larawan ang itinatayong gusali ng City College of San Jose Del Monte, Brgy Minuyan Proper. City of San Jose Del Monte, Bulacan. (Photos courtesy of Guini)

*****
Nais nating bigyan pansin ang kalinisan at gumagandang kapaligiran ng Barangay Manggahan, Sta. Maria, Bulacan. Tuwing nadaraan tayo sa naturang Barangay ay kapuna-puna ang makikinang na kulay dilaw at orange na pintura sa bawat harapan ng mga bahay at poste ng ilaw. Ngayon lang sa pamumuno ni Barangay Captain Rey Castro, o popular na tawag sa kanya ay REYMALYN, nangyari ang ganitong tanawin sa Brgy. Manggahan. Minsan ay nagkadaumpalad kami ni Rey sa ‘viewing’ ng isang kakilala, sa Barangay Baka-bakahan, Pandi, Bulacan, at doon ay nagkahuntahan kami ng ilang minuto. Nang banggitin ko ang kalinisan at kulay na taglay ng kanyang nasasakupang Barangay ay puro ngiti lamang ang kanyang naiganti. Malaki pa ang magagawa ni REYMALYN sa kanyang bayan sa hinaharap. Abangan po ninyo iyan!

*****
Tiyak na madadagdagan na naman ang timbang natin ngayong kapaskuhan, laging may ambagin sa kasal, binyag, ‘bonding’ at pupuntahan Xmas party, ngayong Disyembre. Kailangan ang disiplina sa sarili ng hindi magkasakit sa labis na pagkain, labis na inom at puyat, ngayong ‘holiday season.’ Importante wala tayong sakit at laging masaya sa buhay, ng sa ganoon ay patuloy nating matamasa at madama ang kapaskuhan at kaligayahan sa buhay. Maligayang Pasko po sa lahat!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here