Home National News Malasakit Center, itatayo sa Laguna

Malasakit Center, itatayo sa Laguna

54
0
SHARE

CALAMBA, Laguna — Mas matatag na bansa ang inihayag ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher Lawrence “Bong” Go sa kanyang mensahe sa kanyang pagdalo sa Convention of Barangay Officials of sa nasabing bayan ngayong Sabado (Sept. 14) Grand Regal Hotel.

Sa kanyang speech, ibinalita ni Kuya Bong ang plano nitong pagtatayo ng Malasakit Center sa Laguna ngayong taon. Naghahanap pa ito ng accessible at central na lokasyon para sa naturang Malasakit Center.

Binigyang diin din ni Kuya Bong ang halaga ng mga barangay bilang basic political unit ng ating bansa. Hinikayat din niya ang mga opisyal na suportahan ang 3-point campaign ng gobyerno laban sa illegal drugs, kriminalidad at korupsyon.

Sa huli, bilang motibasyon na magsilbi sa bayan, sinabi ni Kuya Bong na masarap ang pakiramdam na magsilbi para sa mga Pilipino. Hinimok din niya ang mga barangay officials na huwag gamitin ang kanilang posisyon sa pansarili nilang interes. Inimbita rin ni Kuya Bong ang mga dumalo sa isang tour sa Malacañang Palace Presidential Museum and Library at mag-unwind sa isang beach sa Davao.

Sumalubong kay Kuya Bong sa event si Calamba Mayor Timmy Chipeco at iba pang lokal na opisyal ng Calamba. Matapos ang kanyang speech, nagkaroon ng photo-op si Kuya Bong kasama ang mga barangay officials ng naturang bayan.

Gaano man kasama ang panahon, parating on the go sina Tatay Digong at Kuya Bong na magsilbi sa mga Pilipino! Kaya sana tuloy tuloy lang po ang ating suporta sa gobyerno! Magsilbi rin po sana silang inspirasyon sa iba pang mga opisyal ng ating bansa! (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here