Home Katropa Rumoronda Malasakit ng ‘Doble Aksyon’ sa LSJDM

Malasakit ng ‘Doble Aksyon’ sa LSJDM

14
0
SHARE
Opinion Column ni Vic  Billones lll

MAY nagpaabot sa atin ng impormasyon na may mga murang halaga ng mga ‘school supplies’ na mabibili ngayong pasukan. Ito ay ang Balik Eskwela- Diskwento Caravan, proyektong isinagawa at pinagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM) at ng Department of Trade and Industry (DTI.) Ang abot kayang presyo ng produktong ‘school supplies,’ ay gaganapin sa ika-30 at 31 ng Mayo, 2019, mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon, sa City Hall Plaza.

Tsk1 Tsk! Tsk! Habang isinusulat ito ay batid nating marami ang dadalo sa nabanggit na Balik Eskwela- Diskwento Caravan. Posibleng lumabas ang ulat na ito sa ating pahayagan, na tapos na ang nasabing Caravan, ang importante dito ay ang malasakit na ipinamalas ng Pamahalaang Lungsod na mabigyan ng kalinga ang mga maliliit na San Josenios. Salamat po sa Pamahalaan ng LSJDM at DTI.

*****

Nitong nakaraang ilang araw ay pormal na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang RA No. 11272. Ito ang pagtatayo ng St. Bernadette Children and Maternity Hospital, sa Barangay Graceville. Layunin nito ang makapagbigay ng serbisyong medikal para sa mga San Josenios. Ito ang pangunahing gampanin na isinulong ni Congresswoman Florida ‘Ate Rida’ P. Robes para sa mga pamilyang San Josenios.

Narito pa ang isa pa, ang programa ni Mayor Art Robes ng LSJDM, na niyapos at binigyang halaga ni Congw Rida Robes ay ang pormal na paglakda ni Pangulong Rodrigo Duterte, noong nakaraang buwan, ito ay ang RA No. 11310 o mas kilala bilang Pantawid Pamilyang Pilipino (4Ps,) layunin ng batas na ito na palaganapin pa programa para sa mga kababayan nating benipisyaryo nito.

Kaya nga nitong nakaraang panunumpa sa tungkulin ay nabigay ng mensahe ng pasasalamat sa taumbayan ang Mayor ng LSJDM, narito po: “Isang taos pusong pasasalamat sa lahat ng San Josenyong patuloy na nagmamahal, sumusuporta at muling nagtitiwala sa amin. Asahan ninyo na mas lalo pang paiigtingin ng Administrasyong Robes ang pagbibigay ng serbisyong may Doble Aksyon ang Solusyon.”

Tsk! Tsk! Tsk! Magandang balita sa mga maralita, nangangailngan ng atensiyong medikal at serbisyong walang humpay mula sa tinaguriang’Ate ng Bayan,’ na si Congw Rida Robes at Mayor Arthur Robes. Mabuhay po kayo.

*****

Bigyan natin ng puwang ang patuloy na pagbibigay ng impormasyon ng PARCNET Media patrol group ni Renz Pedroche sa KATROPA News Online Facebook, hinggil sa ‘peace and order’ na nangyayari sa LSJDM. Iniulat ng grupo ang limang kataong pinagbabaril hanggang sa mamatay ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa nasabing lungsod, kamakailan. Ayun sa mga sabi-sabi ito ay dahilan daw sa onsehan sa bawal na gamot, ang iba naman ay nagsasabing posibleng kagagawan daw ng mga militanteng grupo na umuusig sa mga ‘drug pushers.’

Tsk! Tsk! Tsk! Sa PARCNET Media Patrol at sa LSJDM PNP sa pamumuno ni P/Lt Col. Orlando Castil, Jr., maganda ang ipinakikita ninyong serbisyo sa bayan. Mabuhay kayong lahat!

Narito ang ating email: billones@ralo.org. Hanggang sa muli.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here