Home National News Malawak na plantasyon ng Marijuana sa Ilocos Sur, nadiskubre ng PNP,...

Malawak na plantasyon ng Marijuana sa Ilocos Sur, nadiskubre ng PNP, PDEA

45
0
SHARE

VIGAN CITY — Isang Marijuana plantation ang natagpuan sa isa sa mga masusukal na kabundukan ng Brgy. Licungan, Sugpon, Ilocos Sur noong umaga ng Sabado (Jan. 12).

Umaabot sa 3.6 milyon pesos ang halaga ng mga nadiskubreng Marijuana ng mga miyembro ng PNP at PDEA sa naturang lugar.

Base sa ulat, bandang 10:00 p.m. noong Biyernes nang magsimulang lumakad ang mga miyembro ng Sugpon Municipal Police Station kasama ang ilang miyembro mula sa Police Provincial Office, at ng PDEA Regional Office 1, para sa isang Marijuana Eradication Campaign.

Ito ay matapos na makatanggap ang Sugpon Municipal Police station ng mga mga confidential na report na may mga lupa sa naturang kabundukan ang ginagawang taniman ng Marijuana.

Nabatid na bandang 7:30 ng umaga nang makarating sa nasabing lugar ang grupo at nagulat sa nakitang dami ng Marijuana na nakatanim sa isang 950 sq. m. na lupa.

Umaabot sa 12,400 na nakatanim na Marijuana ang pinagbubunot at pinagsusunog ng mga law enforcers.

Maging ang nadiskubre nilang 10,000 na Marijuana seedlings at 3,000 na gramo ng Marijuana dried leaves ay isinama din sa mga sinunog.

Hindi pa tukoy ng mga law enforcers kung kanino ang naturang taniman dahil walang dinatnan na mga tao ang naturang grupo nang dumating sila sa naturang lugar. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous article30th World Peace Tour of HWPL will be held in Bulacan
Next articleSingapore’s Breadtalk, Queen Mango now open at SM City Marilao
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here