Home Senyor Latigo Malaysian passport gamit ni Ninoy nang mapatay

Malaysian passport gamit ni Ninoy nang mapatay

222
0
SHARE
Opinion Column by Archie Jimenez

MARAMI ang hindi nakakaalam sa tunay na kalagayan ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. nang siya ay mapatay sa Tarmac ng Manila International Airport noong taong 1983, matapos itong sapilitang umuwi ng bansa sa kabila ng mga pagpigil sa kanya.

Lingid sa kaalaman ng marami ang gamit palang passport ni Ninoy noong siya ay umuwi ng bansa at mapatay ay hindi pekeng Philippine passport kundi tunay at orihinal na Malaysian passport na inisyu ng Malaysian Government sa kanya.

Kung inyo pong matatandaan si Ninoy at ang kanyang mga kasamahan ay nahatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng “firing squad” ng mapatunayang nagkasala ng pagtataksil o treason.

At ang mga nahatulan ng kamatayan ng pamahalaan ay awtomatikong nirerevoke ang kanilang mga pasaporte at hindi na iniisyuhan pang muli ng bago.

Kaya noong lumabas ng bansang Pilipinas itong si Ninoy ang gamit niyang passport ay hindi pekeng Philippine passport na ayon sa mga naunang ipinakalat na tsismis kundi tunay at orihinal na Malaysian passport na ang ginamit niyang pangalan ay Marcial Bonifacio.

Mula sa Amerika ay maluwag siyang nakapasok sa mga bansang Japan, Hongkong, Taiwan, Singapore at Malaysia.

Ayon sa artikulo ng balitang lokal na mababasa sa Facebook pilit umanong binibigyang diin ng mga taga-suporta ni Ninoy na ang ginamit nitong passport sa kanyang pag-uwi noong mapatay ito ay pekeng Philippine Passport par maitago diumano ang katotohanang Malaysian Passport ang talagang ginamit nito.

Noong mga panahon na iyon ay wala pang umiiral na dual citizenship dito sa ating bansa. Taong 2003 lang nagsimulang umiral at ipinatupad ang dual citizenship act dito sa ating bansa.

At ang passport ay siyang standard universal documentary proof ng iyong citizenship.

Kaya maliwanag pa diumano sa sikat ng araw na noong mapatay itong si Ninoy ay hindi siya Filipino citizen kundi siya ay Malaysian citizen.

Na noon umanong mapatay itong si Ninoy ay nakapagtatakang lahat ng kanyang personal na mga gamit partikular ang kanyang passport ay nawala at hindi man lang daw naibigay sa kanyang mga mahal sa buhay na siyang dapat sanang mangyari.

Bago diumano umuwi dito sa Pilipinas itong si Ninoy ay nagdaan pa muna ito sa bansang Malaysia partikular sa Kuala Lumpur para sa kanyang ginawang last will and testament para sa kanyang bank account.

Na sa bank account na iyon ay nakasaad diumano kung papaanong binayaran itong si Ninoy ng Malaysia ng kanyang treason fee at ang umano’y under the table na kabayaran sa pagkakaagaw ng Sabah,

At sa pamamagitan pa rin ng bank account na tinatawag na treason fund nagmula ang pondo na ginamit diumano para mabuo nito ang mga grupo ng MNLF, MILF at CPP -NPA noong taong 1969.

Dito rin diumano sa bank account na ito nanggaling ang mga pondong ginamit sa EDSA 1, Edsa 2, at sa pagpapatatag ng Aquino-Cojuangco political at business empire sa bansang Pilipinas.

Napag-alamang hanggang sa kasalukuyan ay ang kamandag diumano ng Noniy teason fund ay patuloy na ginagamit sa ginagawang pamiminsala sa ating bansa.

Kaya pa umanong bilhin ng pondong ito ang mga matataas na kalibre ng baril na AK47 sa Crame para maiisyu sa grupo ng NPA. Kaya din umanong pondohan ang gun factory ng MILF.

Mula pa rin diumano sa Ninoy treason fund ang bilyones na pondo na ginagamit ng kanyang grupo para sa isinasagawa ng partido para sa kanilang mga natinal campaign.

‘ Yun umanong slogan ni Ninoy na “Filpino is Worth Dying For” ay putol. Dapat daw ay inilagay din ang totoong karugtong nito na Money.

Kaya kapag pinagdugtong ay lalabas umano ang tunay na kahulugan ng slogan ni Ninoy na “Filipino is Worth Dying For Money”.

Nabanggit rin sa nasabing artikulo na hindi dapat na pagtakhan kung bakit hindi mabuwag-buwag ang Recto at Quiapo bilang lugar ng pagawaan ng mga pekeng dokumento, sa kadahilanang itong si Ninoy diumano ang siyang pinakaunang kostumer at protektado pa umano ito ng Malaysia-Aquino Gang.

Chicken lang din diumano sa grupo ng Aquino-Malaysia Gang ang election fraud dahil sa ang sentro umano ng counterfeits ay ang Maguindanao at Lanao na siyang dahilan kung bakit gusto nilang kontrolin sa pamamagitan ng BBL.

Kaya ang kanilang katanungan at patuloy na inihahanap ng kasagutan sa lahat ng mamamayan ng bansang Pilipinas. “Dapat ba talagang kilalaning bayni ng ating bansa itong si Benigo ‘Ninoy’ Aquino?”

SHARE
Previous articleMga mikrobyong dapat iwasan sa Japan tuwing tag-ulan
Next articleAng Diyos naman ang paksang usapin
Hard-hitting broadcaster/columnist Archie Lorenzo Jimenez, of Plaridel, Bulacan was a Masscom graduate major in Broadcasting at Centro Escolar University. He worked in several radio stations as broadcaster, DZME1530, DWAN 1206, DZXQ 1350, DWGV 792, DZRM 1242 and DWDD AFP. A former Editor-in-Chief of Bulacan newspaper namely TUDLA, and had a brief stint as columnist of CMT UPDATES and Bulacan Catcher. He is now RONDA Balita’s whipping columnist.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here