Maligayang kaarawan sa nag-iisang ‘Kuya’ ng Bulacan

0
88

NAIS kong batiin ang nag-iisang “Kuya” ng Bulacan na si Cong. Jose Antonio R. Sy-Alvarado ng Unang Distrito ng Maligayang Kaarawan.

Maliban sa napakasipag na Kinatawan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, masasabi ko rin na napakabait ng taong ito. Dahil mismong ang inyong lingkod ay nadama o naramdaman ang angking kabaitan ni Kuya Jonathan.

At kahit hindi pa siya noon isang ganap na congressman ay naiparamdam na niya at naipakita sa mamamayang Bulakenyo ang pag-aaruga at pagmamahal.

Kaya ganun na lamang kung siya ay gabayan at patnubayan ng Poong Maykapal.

Totoong napakasuwerte ng Lalawigan ng Bulacan higit ang mga taga-Unang Distrito dahil sa pagkakaroon ng magaling at masipag na Kinatawan sa Kongreso.

Tunay na maitatangi ang husay sa pag-gawa at pagbalangkas ng mga batas. Tinaguriang “The Rising Star of The Philippine Congress” dahil sa mga napapanahong iniakdang batas.

At sa kanyang ikalawang termino bilang Kinatawan ng 1st District ng Bulacan sa Kongreso ay marami na itong natanggap na parangal at pagkilala

Hindi na rin halos mabilang ang mga panukala na inakda ng batang kongresista na tuluyang maging ganap na batas.

Si Kuya Jonathan ay kinilala sa kanyang pagiging aktibo sa paglikha ng mga napapanahong panukalang batas na para sa kabutihan ng taumbayan at paglilingkod sa kanyang mga kababayan.

Mga panukalang batas na tungkol pagpapaigting ng seguridad, pagpapalago ng industriya at pangangalakal, pagpapatibay ng karapatan at pagbubukas ng mga oportunidad.

Isang katulad ni Kuya Jonathan ang kailangan ng ating bayan upang umusad sa mas maunlad na bansa sa hinaharap.

Tunay na dangal ng Bulacan si Kuya Jonathan. Mahal ng mga Bulakenyo at ipinagmamalaking tunay.

At muli, ang aking pagbati ng Maligayang Kaarawan sa nag-iisang “Kuya” ng Bulacan, Cong. Jonathan Sy-Alvarado. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here