Home Katropa Rumoronda Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon 2020

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon 2020

28
0
SHARE
Opinion Column ni Vic  Billones lll

PANIBAGONG sigla ang naramdaman ng mga San Josenios na mailagay muli sa kasaysayan ng buong mundo, ang bagong karangalan para sa buong bansa ng Pilipinas higit sa Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM) at sa mga mamamayan nito, ng maangkin sa pangalawang pagkakataon ng LSJDM, na maging ‘World record holder’ muli sa sikat na Guinness World records.

Dahil sa sigasig ng mga Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni Mayor Arthur Robes, at mga mamamayan ng LSJDM ay nagawang maangkin ang pagkilala at hawakan ng karangalan na maitala sa ‘history’ bilang Guinness World Record Holder for the Most Living Figures in a Nativity Scene,’ kamakailan.

Batay sa impormasyon ay umaabot sa 2,101 katao mula sa iba’t ibang lugar ng Siyudad ang nakiisa at lumahok, upang ganap na mauna sa dating naitalang 1, 254 katao lamang ng Calne Town Council and Bible Society sa Calne, Wiltshire, United Kingdom, noong ika-3 ng Disyembre, 2016.

Ito ay pagpapamalas lamang na ang mga mamamayan at mga pinuno ng nasabing Lungsod ay nagkakaisa at may iisang damdamin at hangarin at ito ay ang maitaas ang imahe at kilalanin ang papaunlad na Siyudad sa buong mundo.

Tsk! Tsk! Tsk! Magaling! Ano pa ba ang ating masasabi. Mabuhay at Maligayang Pasko at manigong Bagong Taon 2020 sa lahat!

*****

Idagdag pa natin ang panibagong programa ngayong Disyembre ng mag-asawang Mayor Arthur at Congw Rida Robes, ito ay ang Ugnayan sa Barangay-Town Hall Meeting. Kasama nila dito ang Officer ng DILG Local Government Operations. Pinagusapan ang naaprobahang ‘policy’ na Kalat No Way, Clean as you go, na may DILG Memo Circular 2019 o ang Disiplina Muna National Advocacy Campaign, upang maipamalas ang mabuting hangarin sa buhay ng mga San Josenios at kapaligiran, kamakailan.

Tsk! Tsk! Tsk! Malinis nga ang kapaligiran ng LSJDM. Napasyal din ako kamakailan sa Sampol Market, at dito ay namalas natin ang bagong anyo ng nasabing palengke.

Maayos at maluwag na ngayon na hindi tulad noon na ang daanan ng mga tao o kalye ay inookupa ng mga mangangalakal.

Ngayon ang daanan o kalye ay napapakinabangan na mga mamimili. Kapag ako ay bumabagtas mula sa bayan ng Santa Maria, Bulacan, papuntang City hall ng LSJDM, ay mapagmamasdan mo ang kalinisan ng paligid, maging ng kanilang public Cemetery. Bukod sa linis ay makulay pa ang mga pader nito.

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon 2020 sa lahat. Kaunlaran sa buhay ng bawat isang Pilipino sa taong 2020. Narito po an gating email: billones@ralo.org. Hanggang sa muli. (RONDA BALITA Online)

SHARE
Previous articleChief at Deputy ng POSO-Candon City, bakit hindi nagsusuot ng uniporme?
Next articleGanap na kaunlaran ng LSJDM, pinupursige
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as Consultant for Media Affairs, for City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. Until now, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing weekly column for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times; Associate Editor/Columnist for KLIMA Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here