Malunggay panlaban sa 2019 Novel Corona Virus

0
755

BALAGTAS, Bulacan — Mainam umano ang pagkain ng masustansiyang pagkain gaya ng malunggay para lumakas ang katawan kontra sa napabalitang unang kaso nang pagpasok ng 2019 novel CORONA Virus o nCoV sa bansa kamakailan.

Base sa report,nagbigay ng mga tips si Health Secretary Francisco Duque III gaya nang pagsunod sa precautionary measures para maka-iwas sa naturang virus.

Sinasabing pabor si Duque na kumain ang publiko ng mga mayayaman sa Vitamin A,C,E at mineral zinc.

Nakikita niya ang pag-inom ng kaukulang fruit juice at maglagay ng tinaguriang super food o malunggay sa soup o gawing sangkap sa lutong ulam ay nagpapalakas ng resistensya ng katawan.

Nalamang ang malunggay ay nagtataglay ng protein na doble sa gatas ang katumbas,potassium na higit pa sa saging, Vit. A at Vit. C na higit pa sa orange.

Bagay umano ang malunggay sa mga lutong ulam na monggo, pinakbet, tinola at iba pang mga lutuin.

Sila ang mga bitaminang kinakailangan para tumibay ang immune system ng tao at mabisang lumalaban o maka-iwas sa epekto ng common bacteria o gaya ng nCoV.

Kaugnay nito,pinayuhan ni Duque ang publiko na umiwas muna pumunta sa mataong lugar at kung hindi makaka-iwas ay magsuot ng surgical mask.

Pinagbawalan na rin ng naturang ahensiya na iwasan muna ang pakikipagkamay at makipag-beso beso sa ibang tao. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here