Malusog na mamamayan, maunlad na bayan — Vice Mayor Jowar

0
146

SA kabila ng pandemyang kinakaharap natin ngayon, patuloy sa pagmamalasakit sa kalusugan ng kanyang mga kababayan si Vice Mayor Reynante “Jowar” S. Bautista, ’di nito alintana ang panganib na dulot ng coronavirus disease.

Palagian nitong tinutungo ng personal ang bawat tahanan ng sinomang kababayan na nangangailangan upang pagkalooban ng tulong sa abot ng kanyang makakaya.

Aniya, “ang malusog na mamamayan, ay maunlad na bayan”.

Ang tanggapan ng Pangalawang Punong Bayan ng Angat sa pangunguna ni Vice Mayor Bautista ay may inilaan na Mobile Botika sa ilalim ng programang ANGAT KALUSUGAN katuwang si Kon. Arvin Agustin (Chairman, Committee on Health) kaisa ang mga kasangguni upang umagapay sa pangangailangang medikal ng kanilang mga kababayan.

Bukas ang tanggapan ng pangalawang punong bayan para sa mga sumusunod na kahilingan tulad ng maintenance medicines at mga gamot para sa iba’t ibang karamdaman, medical assistance devices gaya ng wheelchair, tungkod, BP monitoring kit, nebulizer, atbp; laboratory test (urinalysis, complete blood count, atbp), diagnostic procedures (CT Scan, Ultrasound, MRI, atbp), medical treatment & procedures (Dialysis Chemotheraphy, atbp., hospital bill payment, burial atbp.

Para sa mga detalye, maaring makipag-uganayan lamang sa nakatalagang staff sa Vice Mayor’s Office tuwing araw ng Lunes hanggang  Biyernes mula 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon o mag text o call sa numerong ito 0977-846-25-92.

Ang serbisyong medikal na ito ay naisakatuparan sa tulong ng Pamahalaang Lalawigan sa pangunguna ni Gobenador Daniel R. Fernando at ni Congw. Lorna Silverio.    

Ang programang ito ng Pamahalaang Bayan ng Angat ay kanilang ibinababa sa barangay upang malimitahan ang paglabas ng bahay ng kanilang mga kababayan ng makasunod sa tagubilin ng gobyerno na bawal lumabas at ng makaiwas sa nakakamatay na corona virus.

Tuloy-tuloy din ang kanilang pagpapaalala sa mga mamamayan na ugaliin ang palagiang paghuhugas ng kamay at pairalin ang social distancing. (RONDA BALITA Online)  

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here