Mamamahayag sa Central Luzon, patay sa COVID-19

0
94

BATAAN — Isang beteranong mediaman at publisher ng isang lokal na pahayagan sa lalawigang ito ang pumanaw matapos tamaan diumano ng COVID-19 at bunsod ng kumplikasyon sa iba pang iniindang karamdaman.

Kinumpirma ng kanyang maybahay na si Remy ang pagkasawi ng mamamahayag na si Jimmy Benzon, 70-anyos bandang alas-11 ng gabi sa Bataan General Hospital. Si Benzon ay isa sa itinuturing na haligi ng Central Luzon Media Association(CLMA), publisher ng Central Luzon Forum Weekly Newspaper at adviser ng Paper Ph sa lalawigan ng Bataan.

Si Benzon ay nakaranas umano ng hypertension at pagbilis ng tibok ng puso at nakadagdag pa ang pagkakaroon nito ng COVID-19 dahilan upang ma-admit sa BGH.

Nagpalala pa umano sa karamdaman ni Benzon ang sakit sa baga dahil sa pagiging dati nitong chain smoker.

Naulila ni Benzon ang tatlong anak na babae at kanyang asawa.

Source: Pilipino Star NGAYON

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here