Home Batok sa Kaliwa, Suntok sa Kanan Mamamayan ng Rehion 1, naalarma sa ‘terrorist attack’ isyu

Mamamayan ng Rehion 1, naalarma sa ‘terrorist attack’ isyu

54
0
SHARE
An opinion column by Rolando S. Gamoso

TWO weeks ago, biglang may sumabog na balita dito sa Rehion 1 na ikinatakot ng maraming residente.

Ang naturang balita ay tungkol umano sa plano ng mga terroristang pasukin ang naturang rehiyon para dito magsagawa ng mga pag-atake o terrorist attack tulad ng pagpapasabog sa mga pampublikong lugar tulad ng mga simbahan at palengke.

Ang balita ay mabilis na kumalat sa social media kaya naman naalarma ang mga tao.

Agad namang pinabulaanan ng mga militar at kapulisan sa lalawigan ng Ilocos Sur ang balitang ito.

Sa panayam ng Media kay Police Lt. Col. Fidel Junio, hepe ng Vigan City police station, sinabi niya na wala umano silang nakikitang banta ng seguridad sa lungsod ng Vigan kung nasaan ang St. Paul Metropolitan Cathedral na dinarayo ng mga turista at deboto.

Aniya, mayroon din umanong mandato sa lahat ng police stations sa lalawigan ang bagong talagang Ilocos Sur PNP Provincial Director na si Police Col. Emmanuel H. Reyes, na magkaroon ng intense police visibility sa kanilang mga nasasakupan para mabantayan ang seguridad ng publiko.

Totoo man o hindi ang balitang ito, ang masasabi ko lang, ingat-ingat po.

Maging alerto at mapagmasid. Kung may napapansin tayong mga bagong mukha na kahina-hinala ang kilos, ipagbigay-alam kaagad sa mga istasyon ng pulisya. Makipagtulungan po tayo sa mga miyembro ng PNP.
Isang panawagan para sa mga City Official ng Candon

Kung hindi pa nawalan ng wallet ang manugang ko diyan sa Candon City Hospital ay hindi ko malalaman na wala palang naka-install na CCTV sa nasabing ospital.

Ang buong akala ko, dahil sa ang naturang ospital ay isang napakalaking establisemento lalo pa’t halos puno ito ng mga modernong kagamitan ay napapalibutan ito ng CCTV.

Paano na lang kung pasukin ito ng magnanakaw o kaya’y magkaroon ng mga hindi inaasahang krimen sa loob at palibot ng nasabing hospital? Napalaking tsk, tsk, tsk talaga, mga ‘igan.

Mga maliliit na stalls nga sa Candon Public Market ay may mga CCTV, bakit walang CCTV sa npakalaking hospital na ‘yan?

Panawagan po sa mga city official ng Candon at sa lahat ng mga namamahala sa ospital na ‘yan, please mga sir at ma’am, sana naman po palagyan ninyo ng CCTV ang mga hallway at mga iba pang area na dapat palagyan diyan.

Hindi porke hospital eh wala na pong mangyayaring mga krimen diyan. Simbahan nga pinapasok ng mga walang kaluluwa para pagnakawan, hospital pa kaya. Mabuti na ‘yun may nakikitang CCTV sa paligid ang mga tao para mag-aalanganin silang gumawa. Pag-isipan po ninyo to, mga sir at mga ma’am.

Okey po ba? (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleGordon lauds enactment of Community Service Law
Next articleRebolusyon para isalba ang Marilao-Meycauayan-Obando River, idineklara
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here