Mandatory ROTC para sa senior high studes, aprub na sa Kamara

0
56

INAPRUBAHAN ng House of Representatives nitong Lunes sa pangatlo at final reading ang panukalang batas na gawing mandatory para sa senior high school students na sumailalim sa Reserved Officers Training Program (ROTC).

Sa botong 167 na pumapabor, apat na hindi pabor at zero abstentions, inaprubahan ng chamber House Bill 8961, na nag-aatas sa mga institutionalization, development, training, organization at administration ng basic ROTC para sa Grades 11 at 12 kapwa sa pribado at publikong paaralan.

Ang pangunahing layunin ng panukalang batas ay para ituro ang ‘ spirit of nationalism, nation-building, and national preparedness” sa mga kabataang Filipino.

Ito ay magtitiyak na ang ROTC program ay mag-“instill ng patriotism, pagmamahal sa bansa, moral and spiritual virtues, respect for human rights, at pagkilala sa Saligang Batas.

Sa ilalim ng nasabing hakbang, ang mga estudyante sa Grades 11 at 12 ay sasailalim sa Basic ROTC program bilang pre-requisite para sa graduation.

Source: tnnphilippines

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here