Home National News Mangingisdang nakapatay ng endangered species na pating parusahan — DENR

Mangingisdang nakapatay ng endangered species na pating parusahan — DENR

778
0
SHARE

MAGSISILBI itong aral sa mga mangingisdang pumapatay ng pating na pinaniniwalaang mga endangered species na makaraang hilingin nung nakaraang araw ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu sa Department of Agriculture (DA) na patawan ng parusa ang mangingisdang nasa viral video sa Currimao, Ilocos Norte na nagpapakitang pinaglalaruan ang endangered species na hammerhead shark hanggang sa mamatay ito.

Ayon sa DENR secretary seryoso ang kagawaran na pangalagaan ang endangered species sa bansa at ang ganitong mga pagpapabaya ay hindi kailanman palalampasin ng ahensiya.

Sa ilalim ng batas, ani Cimatu, ang ang DA-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang responsable sa lahat ng uri ng pating na nasa karagatan na sakop ng bansa kaya naman ang DA ang siyang pinakikilos ng DENR sa insidente.

Nabatid na ayon sa batas, ang lalabag dito ay makukulong ng 8 taon at nakatakdang magmulta ng mula sa P300,000 hanggang 3 milyong piso.

Nais pa umano ni Cimatu na ang hindi pa nakikilalang barangay official na sinasabing nag-utos na palayain ang naarestong mangingisda na humuli at nakapatay sa pating.

Sa video na nag-viral sa social media ay kitang-kita na pinaglalaruan, sinasaktan ang naturang pating hanggang sa mamatay ito sa kalsada ng mga residente ng Currimao, Ilocos Norte. Nabatid na sugatan ito nang mahuli ng isang mangingisda na sa halip na ibalik sa karagatan ay pinaglaruan pa kaya namatay.

SHARE
Previous article5 killed, 7 hurt in NPA attack in Makilala, Cotabato
Next articleDOJ dedesisyunan na ang kaso ng Aegis Juris hazing victim
A team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast-paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multimedia press centers are active nowadays and the people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern digital news site whose products include newsfeeds, online news releases and advertisements and it is entitled RONDA Balita Online News.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here