Home Katropa Rumoronda Manigong Bagong Taong 2019

Manigong Bagong Taong 2019

27
0
SHARE
Opinion Column ni Vic  Billones lll

 

PAGBIBIGAYAN, pagmamahalan at pagpapatawad sa bawat-isa ang ating nasaksihan, at ang walang puknat na kainan, kantahan, katuwaan, kasiyahan sa selebrasyon ng kapaskuhan at pagsalubong sa Bagong taon 2019.

Nakagigiliw pagmasdan ang mga taong patuloy na yumayapos sa kahalagahan ng Pasko, ang araw ng kapanganakan ng ating Poong Hesus. Gayundin ang paghahanda sa darating na taon, na ang lahat ay nananalangin na patuloy na pagpalain ng Poong Maykapal, swertehin at mabigyan pa ng mabuting kalusugan at ligtas sa anumang kapahamakan sa pagpasok ng taong 2019.

May nananalangin na maging maayos ang takbo ng ekonomiya ng Pilipinas, mailayo ito sa mga kaguluhan at maging maayos ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte, upang sa gayun ay patuloy niyang magampanan ng ganap ang kanyang tungkulin sa bansa.

Tsk! Tsk! Tsk! Ito ang mga panahon na mahalaga, sapagkat ang kapaskuhan na gumugunita sa kaarawan ng Poong Hesus, na punong puno ng pagmamahalan, at ang pagbabago na nais mangyari sa buhay ng bawat nilalang sa pagpapalit ng taon. Ang panalangin nating lahat ay ang kaayusan ng ating buhay o pamumuhay, at mailayo tayo sa anumang kapahamakan na dulot ng kasamaan.

*****
Nakakalap tayo ng ulat mula sa Social Media, isa rito ay ang mensahe
mula kila Congresswoman Florida Robes, at Mayor Arthur B. Robes, Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) Bulacan, “Ipagdiwang natin ang araw kung saan makakapiling natin ang ating Manunubos. Sama-sama, tulong-tulong sa patuloy na Pagsulong ng ating lungsod sa mas mapayapa, maunlad at higit sa lahat patuloy na manalig sa Panginoon.”

Ang pagbati mula sa nag-iisang Ate ng Bayan, “Ate Rida” P. Robes, at Ama ng LSJDM, Mayor Robes ng Maligayang Pasko sa lahat at sa minamahal na mga San Joseños!

Tsk! Tsk! Tsk! Talagang bigay todo ang pagbibigay ng pagmamahal nila Congw Rida at Mayor Art Robes sa mga San Josenios, gayundin sila VM Efren Bartolome, Jr., mga kawani ng pamahalaan at ang walang kapaguran na si City Administrator, na si Dr. Dennis Booth, Ph.D. Manigong Bagong taon 2019 sa lahat!

*****
PAGDIRIWANG NG KAPANGANAKAN NI JESUKRISTO. Ipinagdiwang ng mga Senior Citizens (SCs) at nagkaroon ng pangkalahatang pagpupulong ang mga SCs sa Brgy San Roque, Pandi, Bulacan, kamakailan. Makikita sa larawan ang mga SCs at ang Panauhing tagapagsalita ay si G. Manny Resurreccion, ang Pangulo ng Federeation of Senior Citizens Association (FSCAP,) Pandi Chapter. (VIC BILLONES III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here