Home Taklesa Marahas na dispersal sa nagprotestang mga manggagawa ng NutriAsia, kinondena

Marahas na dispersal sa nagprotestang mga manggagawa ng NutriAsia, kinondena

164
0
SHARE
An opinion column of Rosseth Eleogo

KINONDENA ng mga mamamahayag, non-government organizations at labor groups ang naganap na karahasan sa naganap na dispersal ng mga otoridad sa mga nagpoprotestang manggagawa ng NutriAsia at mga supporter sa planta nito sa bayan ng Marilao kamakailan.

Pati si Vice President Leni Robredo ay negatibo ang naging reaksyon sa nangyaring karahasan sa hanay ng mga empleyado ng NutriAsia na pag-aari ng bilyonaryong si Joselito Campos.

Giit ng kampo ng bise presidente, hindi maaaring takasan ng mga pulis at private security personnel ang ginawa nitong madugong dispersal sa mga nagprotestang manggagawa na nauwi sa kaguluhan at pagkakaaresto sa 20 katao.

“Dapat umanong managot ang sinumang responsable sa nangyaring karahasan. hindi maaaring takasan ng mga pulis at private security personnel ang ginawa nitong dispersal sa mga nagprotestang manggagawa na nauwi sa kaguluhan,” ani bise presidentesa pamamagitan ng taga-pagsalita nito na si si Atty. Barry Gutierrez.

Bunsod na rin sa naganap na marahas na dispersal, nanawagan ng malawakang suporta sa publiko ang mga nagpoprotestang manggagawa ng naturang kompanya na iboykot ang mga produkto ng NutriAsia na kinabibilangan ng Dati Puti, Silver Swan, UFC, Papa catsup at iba pa.

Ayon naman kay Partido Manggagawa (PM) chairman Renato Magtubo,
“The boycott will not only support the legitimate struggle of workers, but more importantly, send a strong message by the consuming public to NutriAsia, that we the public will not consume products sold and profited (from) by a company that is violating workers’ rights.”

Mariin ding kinondena ng Partido Manggagawa ang nangyaring “violent dispersal” sa pagitan ng otoridad at mga nagpoprotestang manggagawa.
Ayon naman sa NutriAsia, ang 200 striking workers ng of Toll Packer BMirk ang mga supporters ang nasimula kaya naganap na madugong dispersal.

“The firm said some 200 striking workers of Toll Packer BMirk and their supporters sparked the violence when they allegedly fired a shot in the air and started to throw rocks at police and guards tasked to maintain peace and order,” saad sa press release na isinapubliko ng kompanya.

Naganap ang naturang kaguluhan makaraan ng 3 araw matapos ilabas ng Department of Labor and Employment o DOLE ang resolusyon na pagbabalik sa trabaho ng mga non-striking majority of Toll Packers’ employees.

Inakusahan din ng NutriAsia ang mga nagpoprotestang manggagawa ng paggamit ng mga bata at matatanda bilang mga “frontliners at human shields” sa pagbabarikada sa kanilang planta.

Ayon naman sa National Union of Journalists of the Philippines o NUJP na kabilang umano sa samahan ang mga inatake, tinakot at inaresto ng mga otoridad habang nasa kalagitnaan ng kanilang mga coverage sa insidente.
“We denounce the security personnel of NutriAsia for deliberately targeting journalists and the Bulacan police for failing to prevent or stop this outrage,” nakasaad sa statement ng samahan.

Dagdag pa ng NUJP na sina Hiyas Saturay, Eric Tandoc, Avon Ang, and intern Psalty Caluz, University of the Philippines student, from AlterMidya and Jon Angelo Bonifacio from UP-Diliman publication Scientia ay kabilang sa mga inaresto.

Masyado nang lumaki at pinag-usapan ang isyu mga ka-Taklesa. Simpleng usapin lang tungkol sa suweldo at regularization ay hindi pa ipinagkaloob ng NutriaAsia sa mga nagpoprotestang empleyado.

Marami na ang nadamay at nasugatan na pawang biktima sa umiiral na sigalot sa pagitan ng kompanya at mga manggagawa nito.

Bakit hindi na lang ibigay ng kompanya ang dapat na matatanggap ng mga emleyado. Hindi ba nila ito naging katuwang para lumago at umasenso ang kanilang kompanya?

Malaking kabawasan ba sa kanilang kompanya ang dapat na matatanggap ng mga empleyado?

Base sa nakalap kong impormasyon hinggil sa kompanyang pag-aari ng isang ilustrado na si Joselito Campos Jr.

Ang NutriAsia uman oay may total assets na P16.8 bilyon. Nagpapasuweldo ng P380 kada manggagawa at sa 1,400 manggagawa ay may 100 katao lamang ang regular.

Sa inyong pala­gay mga ka-Taklesa, makatao ba ang NutriAsia?

Hanggang sa susunod na isyu po ng RONDA Balita. Batu-bato sa langit ang tamaan ay PIKON!

Para sa ibang balita, maglog-on sa www.rondabalita.news.
Babu!

Kung may tanong, su­hestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0917 205 3350. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleSulat ng ama at ina sa kanilang anak na nag-aaral!
Next articleFor wetter or worse: Bulacan bride defies storm
ROSETH Eleogo Reyes or RR Eleogo is one of the owners of RONDA Balita. A single mother from Bulakan, Bulacan, and formerly an account officer and columnist of NewsCore, a local newspaper in Bulacan. She also worked in quality control department of Mighty Corporation. A part-time advertising representative of Remate, a national newspaper. She served as Director of Philippine Science Journalists Association Inc. Bulacan Chapter and member of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Bulacan Chapter. She won recently as Board of Directors of Bulacan Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here