Maraming naghahangad sa biyaya ng SAP

0
232
Opinion Column by Manny Camua Dela Cruz

ITONG buwan ng Hunyo ay maraming benepisyaryo ng Social Amelioration Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dito sa lalawigan ng Bulacan ang pinulong ng mga tauhan ng DSWD kasama ang mother leaders ng barangay at mga day care teacher.

Sila ang naatasang mag-interview sa mga taong barangay na umapela dahil hindi sila nakabilang sa first tranche ng SAP. Masusi silang kinapanayam kung karapat-dapat ba silang pagkalooban ng ayuda mula sa pamahalaan. Hindi naman kasi lahat ng nakatanggap ng emergency subsidy ay higit na nangangailangan, kumbaga, may nasisingit lang na ilan.

Kung bakit kasi may naeetsa puwera gayong iniutos ni Pangulong Rodriho Duterte sa mga local official na salaing mabuti ang pagpili sa mga benepisyario dahil pawang mahihirap na walang sukat na pagkunan ng ikabubuhay ang karapat-dapat na benepisyaryo ng SAP

Pero bakit nga ba may mga hindi karapat-dapat na benepisyaryo ang nabibiyayaan ng SAP. Baka may mga mother leader na tinamad nang galugarin ang kani-kanilang mga barangay kung totoo man ang balita. Gayon pa man, may mga karapat-dapat naman na napili kaya sila ang mapapalad na tatanggap ng ayuda, silang mga nag-apela.

Dito sa Gitnang Luzon ang halagang natanggap ng mga benepisyaryo sa unang trance ay P6,500.00 bawat isa. Malaking tulong ang halagang ito sa mga higit na nangangailangan. Doon naman sa mga hindi karapat-dapat pero nakatanggap ng ayuda mahiya naman kayo doon sa mga kababayan natin na higit na nangangailangan.

Ang unang naapektuhan ng pandemya ay ang mga tricycle driver. Mula sa deklarasyon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ay hindi na sila nakapamasada dahil ipinagbawal ang magkatabing pasahero. Nang bumabà sa GCQ ay pinayagan nang mamasada ang TODA member para sila ay kumita.

Ang masaklap, kakaunti naman ang pumupunta sa palengke kaya walang halos maisakay ang tricycle drivers. Iyan ang epekto ng quarantine sa buhay ng mga Pilipino. Kaya ang kanilang panalangin ay kung kailan matatapos ang pandemya.

Sana nga ay matapos na ang pandemya para maging normal na ang takbo ng buhay ng bawat isa. Pero sa New Normal, pagkatapos sa GCQ ay unti-unti nang mapapaluwag ang health protocol. Harinawang makakuha ng ayuda ang mga tao na higit na nangangailangan. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here