Home EXTRAFONTS Maraming pagkain na nasasayang

Maraming pagkain na nasasayang

133
0
SHARE
Opinion Column by Manny Camua Dela Cruz

NAPANOOD ko sa balita sa telebisyon tungkol sa pagkaing nasasayang na ang karamihang left over foods ay nasasama lang sa basura na dinadala sa materials recovery facilty (MRF) sa mga barangay.

Sa tuwinang ako ay nakukumbida sa handaan na karaniwang catering ang serbisyo sa pagpapakain, inoobserbahan ko ang mga bisitang nakatapos nang kumain. Nakita ko sa kanilang mga pinggan ang maraming ulam at kanin na hindi nila naubos.

Gayundin sa restoran na “eat all you can” o buffet na marami ring pagkaing natitira sa pinggan ang mga kostumer kahit pa may karatulang nakalagay sa loob ng restoran na walang magtitira ng pagkain sa pinggan.

Ugali na kasi ng mga Pinoy na kukuha ng sandamakmak na ulam kung buffet ang hain, pero hindi naman kayang ubusin ang pagkain sa kanilang mga pinggan. Kung hindi makasama sa basura ang mga tirang pagkain ay mapupunta lang sa timba ng kaning-baboy.

Dapat isipin ng ating mga kababayan na maraming Pinoy ang magugutom. May mga kababayan tayo na minsanan lang masayaran ng pagkain ang kanilang mga sikmura araw- araw.

Kaya kung hindi rin lang makakapag-share ang mga kababayan natin na palaging masagana ang kanilang mga hapag-kainan, huwag naman kayong mag-aksaya sa pagkain.

Isipin na lang na kapag itinatapon ninyo ang mga tirang pagkain sa basurahan, ang mga ipis, at mga daga lang ang nakikinabang sa pagkain na inyong itinatapon.

Magsilbing aral sana sa lahat ang mensahe na hindi dapat na nag-aaksaya sa pagkain at isaisip palagi ang pakikipag kapwa-tao. Kung kaya rin lang tumulong sa mga taong higit na nangangailangan, gawin na ngayon at huwag nang ipagpabukas.

Alalahanin ang awiting “Pananagutan” na inaawit sa misa: “Walang sinoman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa.” Isaisip natin ang gintong kaisipan sa mensahe ng naturang awiting pang simbahan. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleNewspaper Edition: RONDA Balita vol. 4 blg. 24
Next article100 gramo ng shabu nasabat sa Naga City
SI Manny Camua Dela Cruz ay hindi nag-aral ng kursong dyornalismo, subalit naging bihasa sa pagsusulat ng balita, lathalain at sanaysay. Ang kanyang talento ay pinanday ng mahabang karanasan sa larangan ng pamamahayag: Photo journalist sa simula; kalaunan ay naging provincial correspondent ng iba't ibang mga pahayagang nasyonal, naging reporter ng national dailies sa Kamaynilaan at naging editor ng national tabloid, naging editor ng national weekly news magazine. Sa kasalukuyan ay editor/editorial consultant ng ilang provincial-based newspaper sa Bulacan, kolumnista at contributing editor/writer nitong Ronda Balita Online/Weekly Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here