Marian pinagluto ng ‘menudo’ ang mga frontliners

0
300

BILANG suporta sa frontliners ay pinagluto sila ng Kapuso actress na si Marian Rivera ng ulam na menudo.

Pinagtulungan nila ng asawang si Dingdong Dantes ang paghahanda ng pagkain para makakain ng mga maayos ang mga frontliners.

Ang specialty dish ang niluto ni Marian na tinawag niyang “Menudo ni Nanay Ingkang.”

Iyun daw ang paboritong lutuin ng kanyang lola na kung tawagin niya ay ‘nanay.’

Ang nasabing pagkain ay para sa health workers ng Quezon City General Hospital.

Post ni Marian sa kanyang social media account, “Kitchen duties for our dear frontliners at the Quezon City General Hospital today who are sacrificing so much for us. Tonight’s meal for them is our family’s specialty – Menudo — a recipe that’s been passed on by my nanay.”

Pagbabahagi naman ni Dingdong sa kanyang Instagram account: “Ang paborito naming Menudo ni Nanay Ingkang — aming munting handog sa mga Frontliners natin sa Quezon City General Hospital ngayong gabi.”

Pinasalamatan din ng Kapuso actor ang mga katuwang nila sa proyekto: “Maraming salamat sa inyong dedikasyon para sa kaligtasan naming lahat.

“Panalangin namin ang inyong kalakasan habang kinakaharap at tinatalo natin ang krisis na ito.

“Salamat @evan.aranas sa mahusay na pag-edit ng mga veejow ko at salamat kay @viennueva sa pahabol na saging na kumumpleto sa matinding kombo. @marianrivera (swipe to view dameyking) @andrewsfundph @Yespinoy.”
Sinusuportahan din ng celebrity couple ang Andew’s Fund, ang fundraising project ng Caritas Manila katuwang ang Yes Pinoy! Foundation ng actor.

Ang foundation ay nagpo-provide ng pagkain sa mga frontliners as well as employment opportunities for the youth.

“Last night, Andrew’s Fund PH also had a special dinner treat to some of our frontliners in Quezon City General Hospital (QCGH).

“We will continue to send a week-long food supply to QCGH, and to Dr. Jose Fabella Memorial Hospital and Jose Reyes Memorial Medical Center.”

Ang mga public hospitals na nabanggitay nagse-serve sa poorer communities.

Ayon pa sa actor ng Descendants of the Sun nagpo-provide sila ng food packs para sa 1,800 families sa Metro Manila.

Ani Dingdong: “1800 food packs are being distributed to families of daily minimum wage earners in Payatas, Smokey Mountain, District 5 of Quezon City, Maisan in Sampaloc Manila, Brgy. Longos in Malabon, members of the Stunt Association of the Philippines, and to communities of the Dioceses of Novaliches, Cubao and Antipolo. We hope to send another batch of support next week.”

Pinasalamatan din ni Dingdong ang mga nagbigay ng tulong.

“Thank you to the Navy Reserve Command-NCR for packing the goods and bringing them to our drop-off centers, Doña Maria for the 3,600 kilos of rice, Ms Chesca Brillantes and team for the washable face masks, Paymaya, and to all our generous friends and donors!” (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here