Marian Rivera ayaw tularan si Anne Curtis

0
268

BALIK na sa paghu-host ng ‘Tadhana’ si Marian Rivera.

Natanong ang misis ni Dingdong Dantes, na if ever na magbabalik-pelikula siya, makakaya daw ba niyang gawin ang ginagawa ni Anne Curtis.

Mabilis na sumagot ang Kapuso actress, ‘hindi ko kaya.’

Sambit pa ni Marian, “Kanya-kanyang pagkatao yan. Eh, ako medyo hindi ko kakakayanin at ayaw ko din siyang gawin bilang dalawa ang anak ko.”

Ayon pa sa actress ayaw na rin daw niyang gumawa ng mga daring scenes dahil ayaw rin daw niya na makita ng mga anak na gumagawa siya ng mga ganoon eksena. Siguro daw kung single pa siya, ay baka. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here