Home Showbiz Mariel siniguro na siya lang ang babae ni Robin P.

Mariel siniguro na siya lang ang babae ni Robin P.

192
0
SHARE

GUEST si Mariel Rodriguez-Padilla sa Magandang Buhay nu’ng Lunes at Martes. Ang daming magagandang kwento si Mariel hinggil sa kung paano nag-umpisa ang love story nila ng action star na si Robin Padilla.

First time na nagpa-interbyu ang mahusay na TV host magmula nang bumalik siya sa It’s Showtime last June 18.

Nag-meet ang dalawa way back 2010 nang maging guest co-host ang actor sa Wowowee dahil nagka-problema na sa pagitan ng host na si Willie Revillame at ABS-CBN.

Ayon kay Mariel nakuha ni Robin ang pulso ng mga manonood. Pero una pa lang daw ay nalaman na ni Mariel na may gusto sa kanya ang actor. Ang ABS-CBN executive na si Linggit Tan ang nagsabi sa kanya, kaya lang deadma raw siya,

May kapilyahan lang na ginawa si Mariel para magbalik-balik sa paggi-guest host si Robin.

Aniya. Gusto raw nila na mag-stay si Robin sa show dahil tanggap ng mga manonood at genuine raw kasi ang ginagawa. Totoo rin daw na sinusulatan niya si Robin araw-araw at dinidikit niya sa dressing room ng actor.

“Dinidikit ko sa dressing room niya para ma-feel niya kung gaano siya ka-welcome sa amin.”

Pero hindi raw niya nilalagay ang kanyang pangalan. Inamin din ng TV host na may crush din siya kay Robin.

“O di podium, may contestant. Bubulong, chuchuchu… Kung anu-ano ang pinagbububulong, tulad ng ‘Ang bango mo naman!’

“Habang may contestant, habang nagtatrabaho! So, si Mariel naman kinikilig siyempre, di ba?” pag-amin niya sa MB.

Nag-umpisa sa tuksuhan na nauwi sa totohanan. Whirlwind romance, kumbaga, ang nangyari sa kanilang dalawa. Kahit daw pinakikilig siya ni Robin, di raw naman agad nagpahayag ang actor na may gusto siya sa TV host-actress. The rest is history.

Nang yayain daw siya ni Robin na magpakasal, iisa lang daw ang sinabi niya sa actor, “kailangan ako lang.”

Kilala raw kasi si Robin na lapitin sa babae. Sinabi raw ni Robin ang lahat ng tungkol sa kanyang buhay, Kung ilan ang anak, etc.

“Sinabi niya, ‘Ganito ako. May mga anak ako. May pamilya akong sinusuportahan. Importante sa akin ang Mindanao.’ And “I really fell in love.”

Ikinasal sina Mariel at Robin nu’ng August 19, 2010 sa Taj Mahal, Agra, India at may isa na silang anak, si Maria Isabella. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleKahera ng pawnshop sa Cavite, kulong sa P1.6 milyong halaga ng alahas
Next articleMayor Dan Fernandez proud kay Alden Richards
BETH Gelena was formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section for almost two decades under former Julie Fe Navarro. Until she decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become a freelance and full pledged showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here