Marjorie Barretto pinatatahimik na ng netizens

0
135

UMANI na naman ng batikos si Marjorie Barretto dahil muntik na raw ma-hack umano ang kanyang IG account.

Ipinost niya sa kanyang socmed account na pinare-reset daw ang kanyang password. ‘If you ignore this message, your password will not be changed. If you didn’t request a password reset, let us know.’

Ang mga netizens, imbes na bigyan ng payo ang mother ni Julia Barretto kung ano ang nararapat ay sinabihan pa siyang, ‘Pavictim. Anong message ang gusto mo i-relay sa followers mo for posting that?’

May nagbabalak daw ba namang i-hack ang kanyang socmed. Para raw ano?’ Sobra na raw OA kung may balak sumabotahe ng kanyang socmed account.

“Panibagong paandar. Di umubra yung ghost writer gimik. Hahaha! Mukhang she’s insinuating na may kinalaman si sestra sa IG hack. Pati hackers, may galit? Hala!!!”

Tigilan na raw nina Marjorie at Gretchen Barretto ang patutsadahan sa isa’t isa dahil ang mga main character (referring Bea-Gerald-Julia) naman daw ay tahimik na.

Oo nga naman!!!! (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here