Home Pilantik Martial Law at checkpoint palpak; kapulisan at sundalo, walang binatbat!

Martial Law at checkpoint palpak; kapulisan at sundalo, walang binatbat!

32
0
SHARE

PATULOY ang pagpatay sa mga sinasabing mga user at pusher na kung ituring ng marami ay pawang mga kakaning itik gayundin sa mga kapatid natin na ayon sa mga nakasaksi ay malinaw na nadamay lamang at talagang walang kinalaman sa kasong ibinibintang.

Sa lahat ng mga akusasyon ang palagi at laging dahilan at katuwiran ng mga kinauukulan ang lahat ay puro nangsipanglaban kung kaya humantong sa hindi inaasahan na ang mga ito ay kanilang tuluyang itimbuwang.

Ang mga biktima ng hindi maapulang pamamayagpag ng mga riding-in-tandem sa pagpaslang at ang di mabilang na insidente ng mga pag-ambush, sa maraming negosyante, kapulisan at maging sa mga opisyal ng ating pamahalaan.

Nariyan din ang ilang mga alagad ng simbahan, mga militanteng tutol sa pagpapatakbo ng lipunan na walang awang pinagpapapatay ng walang pakundangan na hanggang sa kasalukuyan ay BLANKO parin ang mga kinauukulan kung sinu-sino ang mga taong dapat na managot at syang may kagagawan.

Bakit nananatiling mga INUTIL at walang magawa ang mga kinauukulan upang masawata ang mga ganitong mga karumadumal na ginagawa nitong mga taong wala na yatang ikinasisiya kung di ang makperwisyo ng kanilang mga kapuwa.

Totoong marami sa mga iyan hanggang sa kasalukuyan ay salat pa rin sa katarungan na ang karamihan sa kanila ay nawawalan na ng pag-asa na makakamit pa ng hustisya . Ilang lamang iyon sa mga karasahssan na mga pangyayari na tila ba ipinagwalang bahala ng mga kinauukulan na magkakaroon pa ng katarungan sa ligal na paraan , subalitn ang pinakamatinding pangyayari ay ang sunud-sunod na kaguluhan sa Mindanao kung saan ang BATAS MILITAR ay pinaiiral.

Aminin na natin na mistulang PELIKULA ang mga pangyayari sa nasabing rehiyon (Mindanao) sa dahilang tapos na ang laban bago ps dumating ang responde na kinakailangan o inaasahan. Bakit sa dinami-dami ng naglipanang mga checkpoint ng kasundaluhan at mga kapulisan ay nangyayari na sila ay malusutan. Tuloy marami ang nag-aakalang puro natutulog sa pansitan. Nasaan ang pinapangalandakan at ipinagyayabang na pagiging “ALERTO”?

Sa dalawang magkasunod na pagpapasabog sa Jolo at Zamboanga, nasaan ang mga magigiting “KUNO” na taga-pamahalaan ? Bakit at paano sila nalusutan? Nasaan at ano ang ginagawa ng sinasabing Intelligence Fund na dapat sana ay nagagamit sa mga pangyayaring ganyan o baka naman sa halip na pakinabangan ay nakukurakot lamang ng ilang ganid na sinasabing tagapagtanggol ng taong bayan.

Ito ba ang ipinangalandakan ni CAYETANO na katahimikan at kapayapaan noong panahon ng kampanyahan na di umano kahit sino ay makapaglalakad sa dis-oras ng gabi na walang pangangambahan . HARI KA AT NUKNUKAN NG KAYABANGAN?

Ano ang buting naidulot ng Batas Militar sa mamamayan ng Mindanao? Hindi kaya mas lalo pang gumulo ang rehiyon at nagkawatak-watak ang mamamayan? Kailan ba masasabing walang araw na walang nagaganap na patayanat pinatay sa lugar na iyan? Sige nga kayo na ang magsabi kung hindi totoong lahat ng aking tinuran.

Sa kabila ng laha tng ito, ang matinding katanungan ay ano ang ginagawa ng ating sinasabing mga tagapagtanggol at tagapangalaga ng ating katahimikan at kaligtasan? Bakit at paano sila nalulusutan? (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here