Home National News Maruming sapa sa Pulilan, problema ng taumbayan!

Maruming sapa sa Pulilan, problema ng taumbayan!

78
0
SHARE
Makikita sa larawan ang katas na lumalabas mula sa pabrika ng kinatay na manok na Tyson na nakatayo mismo sa tabi ng nasabing sapa na nag-uugnay o boundary ng Barangay Tinejero at Poblasyon Pulilan, Bulacan.

PULILAN, Bulacan — Inirereklamo ng maraming residente ng Barangay Poblasyon sa bayan ng Pulilan ang mabahong amoy ng isang sapa dahil naging imbakan ito ng katas at pinaghugasan ng mga kinakatay na daang libong manok ng kompanya ng Tyson na nakatayo mismo sa tabi ng nasabing sapa na nag-uugnay o boundry ng Barangay Tinejero at Barangay Poblasyon.

Hindi lang mga katas mula sa pinagkatayan ng mga manok ang nagpapadumi ng naturang sapa kundi pati na rin ang mga basurang nakatengga na dito.

Ayon sa salaysay ni Aling Virgie, hindi tunay na pangalan, dati-rati ay napakalinis ng sapa kaya malimit ay dito sila nanghuhuli ng isdang kanilang pang-ulam, subalit magmula ng matayo ang kompanya ng Tyson ay tuluyan na nila itong hindi napakinabangan.

Idinagdag pa ni Aling Virgie na makailang beses na nilang inireklamo sa Barangay maging sa pamunuang lokal ng bayan ang mabahong amoy subalit walang ginawang aksyon at hindi pinansin at pinakinggan.

Batay naman sa salaysay ng mga taong nakatira malapit sa nasabing sapa, hindi raw malayo na mayroong mga tumatanggap ng ‘padulas’ kung bakit walang nangyayari sa mga reklamo ng mga residente na ngayon ay nalalagay sa panganib dahil hindi raw malayo na sila ay magkasakit.

Sa naging panayam ng Ronda Balita sa mga pamilyang nakatira malapit sa inirereklamong sapa, wala na raw silang katiwa-tiwala sa pamunuang lokal ng naturang bayan.

Mahalaga at kilala lang kaming mahihirap sa panahon ng kanilang pangangailangan lalo na kung nalalapit ang halalan.

Hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay wala pa ring aksyon at patuloy sa pagiging manhid ang mga kinauukulan, kaya naman patuloy sa pagtitiis sa mabahong amoy ang ating mga kababayan. (RONDA Balita Online News)

Makikita sa larawan ang katas na lumalabas mula sa pabrika ng kinatay na manok na Tyson na nakatayo mismo sa tabi ng nasabing sapa na nag-uugnay o boundary ng Barangay Tinejero at Poblasyon Pulilan, Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here