Home Batok sa Kaliwa, Suntok sa Kanan Mas mabigat na parusa para sa mga reckless driver, dapat lang!

Mas mabigat na parusa para sa mga reckless driver, dapat lang!

25
0
SHARE
An opinion column by Rolando S. Gamoso

MUKHANG maganda itong isinulong ni Sen. Koko Pimentel na Senate Bill 118, mga ‘igan.
Hangad ng naturang bill na gawing mas mabigat ang parusang kahaharapin ng mga reckless drivers sa oras na makadisgrasiya sila.

Gusto  ni Pimentel na gawing prision correctional mula sa medium hanggang maximum periods ang ipapataw na parusa o 2-12 taong pagkabilanggo depende sa bigat ng kaso. Itataas din ang multa mula sa P200 sa P40,000.

Naniniwala si Pimentel na kapag naipatupad ito,  maraming mga  barumbadong driver ang mag-iingat na nang husto sa pagpapatakbo ng kanilang mga sasakyan sa mga kalsada dahil sa tindi ng parusang naghihintay sa kanila oras na makadisgrasiya sila.  Dahil dito,  maiiwasan ang pagkasira ng mga ari-arian at pagkawala ng buhay.
Tama si Pimentel sa gusto niyang mangyari na kung makakapatay ang isang driver dahil sa kanyang intensiyonal na paggawa ng krimen,  dapat lang na  hindi ito mabigyan ng probation.

Alam naman natin na marami na ngayon ang mga pasaway na driver sa gitna ng kalsada. May mga driver na kung magpatakbo ay parang sarili nila ang kalsada, may nakainom, may mga gutom yata sa tulog na kapagdaka ay biglang napapaidlip, at kung anu-ano pang gawi na nagpapakita ng kawalan ng disiplina ng isang mahusay na driver.
Halos araw-araw ay mga nangyayaring disgrasiya sa mga kalsada lalong-lalo na sa mga bandang national highway. Kung hindi patay ang mga involved persons, hayun nasa critical condition o 50-50 ang lagay nila sa mga hospital.
Sa totoo lang, isa ako sa sumusuporta sa Senate Bill na ito ni Sen. Pimentel. Tulad ng senador, umaasa ako na ito ang magiging tugon upang mabawasan ang mga nangyayaring vehicular accident sa mga kalye.

Sana, ang dalangin ko ay may isa rin sa mga magigiting na Senador natin na makaisip na gumawa ng isang Senate Bill na magpapataw ng mabigat na parusa sa lahat ng driver na mahuhuling lasing o lango sa alak habang nagmamaneho. Pwedeng multa na 10,000  o higit pa para hindi na sila pakalat-kalat sa kalsada. Karamihan kasi sa mga madalas nadidisgrasiya o nakadidisgrasiya sa kalsada ay ‘yun mga tulad nilang lasing o nakainom ng alak. Kaya nararapat lamang na pagbawalan sila na magmaneho nang nakainom, period!

Mga ma’am at mga sir diyan sa Senate, puwede ‘di ba? Try ninyo kaya ito.
Para sa inyong mga sumbong, reaksiyon,  opinyon at  katanungan, mag-text o tumawag sa CP# 09175425511. Puwede rin po kayong mag-email sa: ro_gam34@yahoo.com (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous article‘Tibayanihan Crew’ to help rebuild their community in Marawi
Next articlePangarap ni Mayor Rico Roque sa bayan ng Pandi, maisasakatuparan na!
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here