Home Striker Masteral Degree for sale sa Bulacan sa halagang P55K?

Masteral Degree for sale sa Bulacan sa halagang P55K?

282
0
SHARE
An opinion column by Louie C. Angeles

LABIS na nakababahala ang pekeng Transcript of Record na lumaganap sa mga guro sa DepEd Bulacan matapos matuklasan ng pitak na ito makaraang may humingi ng tulong kung paano malalaman kung tunay ang kanilang TOR mula sa Philippine College of Health and Sciences (PCHS) Inc.

Aba! Laking gulat ng magulang ng teacher ng sabihin sa PCHS na fake ang kanyang hawak na TOR. Hindi makapaniwala ang nanay ng nasabing guro na umaatungal dahil inutang lamang ng kanyang anak ang halagang P55,000 na binayad sa Masteral For Sale.

Malinaw pa sa sikat ng araw na biktima lamang ng kanilang principal at kaibigan teacher ang mga guro na nagbayad ng P55,000 para lang sa Masteral na no appearance sa PCHS.

Kaawa-awa naman talaga ang mga teacher dahil sobra silang nabola ng kausap nila. “Na umano’y ang ilang principal at ilang teacher ay TOR ng PCHS ang gamit ng sila ay na promote.”

Aba! Bagama’t ito’y hindi na bago at tila hindi kayang masupil ng DepEd Division Superintendent Ms. Zenia Mostoles dahil sa kawalan ng pormal na reklamo na natatanggap sa kanyang opisina. Wala na talagang pag-asa na masupil ang mga kawatan na nambibiktima sa mga guro.

Kung tutuusin hindi rin masasabing biktima ang nasabing mga teacher dahil mayroon bang nag-masteral na hindi uma-attend ng klase at after ng isang buwan may TOR na sila.

Kaawa-awa naman pala ang Philippine College of Health and Sciences (PCHS )Inc. Sobrang ginamit ang pangalan ng PCHS sa kanilang kalokohan sa pamemera sa mga guro. Buti na lamang at mayroong magulang na nagtanong sa Striker dahil natuklasan ang malaking panloloko ng ilang tiwaling kawani ng DepEd.

Kaya naman napapanahon na upang kumilos na ang DepEd Central Office at Civil Service Commission para magsagawa ng malalim na imbestigasyon sa nasabing problema ng pekeng TOR sa buong Bulacan.

Ayon kay Commissioner Atty. Aileen Lizada, dapat na managot ang mga teachers at principals na na-promote gamit ang Fake na transcript of record. Marami silang kakaharaping kaso.

Tutukan pa natin ang anomalyang ito! (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here