Home Striker Masteral For Sale sa DepEd Bulacan, sobrang talamak na!

Masteral For Sale sa DepEd Bulacan, sobrang talamak na!

413
0
SHARE
An opinion column by Louie C. Angeles

KAILAN kaya mapaparusahan ang mga prinsipal at head teacher o supervisor na may kinalaman sa pamemeke ng Transcript of Record (TOR) sa halagang P55,000.

Hindi ba’t sadyang mabigat ang usapin na mismong mga prinsipal, head teacher pa ang gumagawa ng pamemeke ng anumang dokumento na ginamit na requirements para ma-promote sa posisyon ang isang guro o maging isang prinsipal.

Ito ay isang maselan na isyu dahil and pamemeke ng dokumento o ng TOR para sa promosyon ng isang guro ay malinaw na katarantaduhan at mga mismong prinsipal at head teacher pa ang mga sangkot o salarin.

Ang isa pang malaking usapin dito sa nasabing pamemeke ng TOR ay kung bakit parang BULAG, PIPI at BINGI ang mga District Supervisor at deadma sila pekeng TOR dahil at patuloy pa ring nagaganap ito.

Sa usaping pamemeke ng TOR ng prinsipal at head teacher, hindi lang sila ang dapat na maparusahan sa naturang anomalya sa nasabing kagawaran.

Dahil sa isang banda ay sadyang ginusto din ng mga guro na mapabilis ang kanilang promotion gamit ang nasabing bogus na TOR.

Hindi naman dapat kaawaan ang mga guro na gumamit ng fake na TOR dahil alam naman nila na hindi totoo ang inalok ng ilang prinsipal at head teacher.

Dahil matapos magbayad ng P55,000 makakatanggap na ang guro ng TOR makalipas ang isang buwan. Wow!

Kaya naman labis na nahikayat ang mga guro sa Masteral For Sale ay dahil yung mga nanghihikayat na prinsipal at head teacher ay ganun din ang ginamit na TOR para sa kanilang promosyon.

Dahil sa sobrang nakaladkad at sinira ng ang pangalan ng Philippine College of Health and Sciences (PCHS) Inc., nakahanda na umano na magsampa ng kaukulang kaso sa mga prinsipal at guro na gumamit ng fake na TOR ng PCHS.

Malinaw na nasira ang pangalan ng PCHS at naapektuhan ang naturang paaralan dahil bumaba ang bilang ng mga nagma-masteral na guro na galing Bulacan.

Ano na nga ang mangyayari gayung mapapalitan na pala ang Division Superintendent sa DepEd Bulacan?

Sana naman ay masupil na ng bagong Division Superintendent ang mga prinsipal lalo sa Plaridel District na sangkot sa pagbebenta ng TOR sa mga guro.

Dahil natatanging Plaridel District lamang ang maraming guro na nabentahan ng Masteral Degree For Sale.

Abangan ang susunod na kabanata! (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here