Home EXTRAFONTS Matagumpay na ‘blood letting program’ ng DFMI

Matagumpay na ‘blood letting program’ ng DFMI

145
0
SHARE
Opinion Column by Manny Camua Dela Cruz

SALUDO tayo sa mga kababayan nating Bulakenyo na nag-alay ng dugo para sa mga kababayan natin na nangangailangan ng dugo.

Ang paghahandog ng dugo ay isang kabayanihan dahil sa bawat patak ng dugo na iyong inialay ay may mga buhay na masasagip kaya huwag panghinayangan ang dugo na mababawas sa inyong katawan dahil mabilis iyang mapapalitan ng mismong katawan ng mga taong nag-alay ng dugo.

Kamakailan ay nagsagawa ang blood letting program sa Bulacan Capitol Gym, sa pangunguna ng Damayang Filipino Movement Inc.
at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, kung saan si Vice Gov. Daniel Fernando, ang nag-inisyatiba ng naturang proyekto.

Ayon sa ulat, mahigit 200 bags ng dugo ang nalikom sa event na iyon na nataon namang kaarawan ni VG Fernando. Dumating din sa okasyon si Gov. Willy Sy-Alvarado na nagbigay ng mahalagang mensahe sa mga blood donors at sa mga punong abala sa naturang blood letting program.

Iyang pagkakaloob ng dugo ay hindi kabawasan sa sinumang nagbibigay nito. Nakabubuti pa nga sa katawan ng blood donors na mabawasan ng 250 hanggang 500 cc ang kanilang dugo dahil sa loob lamang ng ilang araw ay napapalitan ng bagong dugo ang dugo na nabawas sa kanila.

Kaya mayroon tayong bone marrow sa ating mga buto dahil ang bone marrow ang gumagawa ng bagong dugo sa ating mga katawan. Kaya kung ikaw ay malusog at wala ka namang sakit ay walang dahilan para hindi ka maghandog ng dugo.

Malay mo naman na may kaanak kayong nangailangan ng dugo, kung ikaw ay may record na nakapag-donate ka na ng dugo sa pamamagitan ng mga institusyon na gaya ng Philippine Red Cross at ng DMFI, mas madali kang makahihingi ng tulong sa ahensiyang iyan dahil may record ka sa kanilang tanggapan na ikaw ay responsable blood donor.

Saludo po ako sa mga blood donor. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleNBA Finals: King James, Cavs babawi sa Warriors sa Game 2
Next articlePasasalamat ng isang nakatapos na mag-aaral
SI Manny Camua Dela Cruz ay hindi nag-aral ng kursong dyornalismo, subalit naging bihasa sa pagsusulat ng balita, lathalain at sanaysay. Ang kanyang talento ay pinanday ng mahabang karanasan sa larangan ng pamamahayag: Photo journalist sa simula; kalaunan ay naging provincial correspondent ng iba't ibang mga pahayagang nasyonal, naging reporter ng national dailies sa Kamaynilaan at naging editor ng national tabloid, naging editor ng national weekly news magazine. Sa kasalukuyan ay editor/editorial consultant ng ilang provincial-based newspaper sa Bulacan, kolumnista at contributing editor/writer nitong Ronda Balita Online/Weekly Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here