Matindi ang pinsala ng ash fall sa Region IV-A

0
36
Opinion Column by Thony DP Arcenal.

MATINDI ang pinasalang inabot ng mga bayan na malapit sa sumabog na Taal Volcano sa lalawigan ng Batangas.

Linggo ng mag-aalas 2 ng hapon, Enero 12, 2020 ng biglang mag-alburuto ang bulkan at halos walang pahiwatig sa mga residenteng malapit sa lugar.

Magdamag na binantayan ng mga awtoridad ang aktibidad ng bulkan hanggang sa umulan ng ashfall.

Unang tinamaan ang bayan ng Talisay, San Nicolas, Agoncillo at Laurel sa Batangas na naging pahirapan ang paglilikas sa mahigit 2,000 pamilya na nasa paligid ng bulkan.

May mga bahay na bumagsak ang bubungan dahil sa mabigat na ashfall na dumagan dito. Bagama’t wala namang nagbuwis ng buhay sa Batangas naging mahigpit naman ang panawagan ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga residente nito nang ibayong pag-iingat at ang mga ina-anunsyong paalala ng lokal na pamahalaan.

Dito’y makikita ng mga Pinoy kung gaano kahanda ang bawat isa pagdating sa usapin ng kalamidad.

Bukod kasi sa pre-emptive evacuation sa mga residenteng inilikas ay may ilan pa rin na mas pinili ang manatili sa kanilang mga tahanan at bantayan ang kanilang mga ari-arian.

Naging mabilis rin ang koordinasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council dahil agad nagkansela ng pasok sa mga estudyante mula preparatory hanggang college.

Agad ring nagpalabas ng abiso ang Malakanyang na wala na ring pasok sa ibat-ibang sangay ng pamahalaan sa mga lugar na apektado ng ashfall.

Full blast din ang pagtulong ng Philippine Army, Navy at mga pulis upang madala sa ligtas na lugar ang mga inililikas na residente.

Tumulak na rin ang ibat-ibang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office partikular sa mga karatig probinsya upang mapadali ang paglilikas.

Patuloy rin ang pagbabantay at paalala ng Department of Health sa mga mamamayan ng Batangas at sa iba pang lugar na apektado ng ashfall upang maiwasan ang sakit na dala nang ibinuga ng naturang bulkan..

Maging ang DSWD, Red Cross at DPWH ay patuloy na nagbibigay ng tulong partikular sa mga pangunahing pangangailanga.
Stranded din ang maraming pasahero sa NAIA, international at domestic flights dahil rin sa ash fall.

Kaugnay nito mga kabayan ay sinamantala naman ng ilang ganid na negosyante ang pagbebenta ng N95 face.

Marahil dapat alisto ang mga tauhan ng DTI upang kastiguhin ang mga negosyanteng ganid na sa halip na makatulong sa kapwa ay panay ang panggugulang para kumita ng malaki sa panahon ng kalamidad.

Mga kabayan bukod kasi sa PRO-4A kasama ang NCR at Region3 sa na naapektuhan ng pagsabog ng bulkan. Keep safe mga igan at manatiling naka-monitor sa social media upang hindi kayo mahuli sa mga balita.

Para sa inyong mga reklamo at reaksyon mag send lamang sa thony.arcenal@gmail.com. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here