May ‘ayuda’ sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ — Roque

7
1246

BULACAN — Magbibigay ng tulong o ayuda ang pamahalaan sa mga mamamayan na ang lugar ay nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine ((ECQ).

“Dahil naintindihan po ni Presidente na habang tayo’y naka-ECQ eh walang pupuwedeng magtrabaho, magkakaroon po tayong tulong na ipamimigay sa ating mga kababayan,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
Sa katunayan ani Sec. Roque ay isinasapinal na ang pagbibigay ng assistance o ayuda.

Sa Lunes aniya, Marso 29 ay nag-commit ang economic team na ilalahad sa publiko kung saan kukunin ang assistance; at pangalawa ay kung magkano ang assistance na ibibigay at kung ano ang pamamaraan para ma-distribute ito.

“Hayaan ninyo po, sa ating press briefing sa Lunes masasagot na po natin iyan,” ani Sec. Roque.

“Well gaya ng aking sinabi po ‘no, bumalik po tayo sa ECQ dahil masyado pong mataas ang numero ng mga nagkakasakit. At habang tayo po ay nananatili sa ating mga tahanan, inaasahan natin na babagal nga po iyong mga pagkalat ng sakit and at the same time naintindihan natin na kapag hindi natin pinagtrabaho ang lahat, kinakailangan magbigay po ng tulong.

So handa naman pong magbigay ng assistance o tulong ang ating gobyerno,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

At dahil lockdown, mahirap aniya na mamigay ng tulong kahit pa isang linggo lang naman ito.

“Pero ang target po natin, hindi rin naman po matatapos ang buwan ng Abril eh makakarating iyong tulong na ibibigay ng gobyerno sa mga nangangailangan,” anito.

Ang pakiusap naman ni Sec. Roque ay sana ang mga hindi lang nakapagtrabaho ang kumuha ng financial aid dahil iyon naman aniya ang intensyon ng pamahalaan ang makapagbigay ayuda sa mga hindi nakapagtrabaho.

“Well, ‘assistance’ po ang tinatawag natin ngayon diyan. There will be assistance given, but it will be given to individuals na hindi po nakapagtrabaho during this one week ECQ,” aniya pa rin.

Source: REMATE Online

7 COMMENTS

  1. Sana mbigay ung second wave smin dto s paciano hnggng ngaun Wala p…samantalang ung iba naitae n Nila Ng matagal…asan Ang hustisya.pinipili nlng ata Ang bnbgyan.hndi s mukhng pera ako.krptan k Naman un unfair nmn

  2. Sna po makakuha dn ko s ayuda mlking tulong skn pomlking tulong skin pra s mgiging bby ko mlpit n kse ko mnganak sn mbsa ny po msg ko

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here