May balak na bang tumakbo sa Senado? KRIS AQUINO NATI-TRIGGER SA FAKE NEWS

0
365

MAY fake news na lumalabas hinggil sa pagtakbo umano ng Queen of All Media na si Kris Aquino ay tatakbo sa pulitika sa darating na eleksyon. Nakiusap pa siyang bigyan siya ng katahimikan.

Kakalabanin raw niya ang assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na si Ms. Mocha Uson na tatakbo raw sa senado.

Sinabi ni Kris na hindi pa siya nai-interview ng King of Talk na si Boy Abunda hinggil sa kanyang pagtakbo kung saan wrong grammar pa raw ang ginamit na quote para sa kanya.

Ayon pa sa TV host-actress malaking bagay na maikumpara siya kay Mocha dahil beterana na raw eto kumbaga sa online world samantalang siya ay baguhan pa lang.

Kinumpara pa ni Kristeta sa fashion terms ang estado nilang dalawa ni Mocha. “She is already Miuccia Prada, while i am just Alessandro Michele, the relatively new creative director of GUCCI, who was tasked since Fall Winter 2015/16 to breathe new life to a weakened brand.”

Pero dahil hindi pa rin tumitigil ang isyu na siya’y tatakbo kaya mukhang nati-trigger na si Kris na patulan ang FAKE NA BALITA.

Aniya sa kanyang social media account: “Regarding political plans sa nagkakalat ng FAKE NA BALITA – while we still live in a DEMOCRACY & while i just remitted an online VAT payment for October 2017 of P2,164,429.67- let me just continue working in peace? Politics isn’t in my brain right now, sa kakagawa nyo ng ganitong balita baka in the end mapilitan akong bilin from Culture Club ang rights to their song KARMA CHAMELEON as my campaign jingle.”

Marami pa siyang mga ipinost kung saad nakasaad doon kung papano na siyang nakibaka mula ng 7 years old siya para sa pangangampanya ng kanyang ama (the late Benigno Aquino a.k.a. Nonoy) na kasalukuyang nakapiit noon.

“Fake News peeps – you challenged me. I’m now going to work so much harder to make your No to Aquino irrelevant because it will be a Yes to KRIS,” isa sa ipinost ni Kris sa kanyang social media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here