Home Showbiz MayDon mas may ‘chemistry’ kaysa sa MayWard

MayDon mas may ‘chemistry’ kaysa sa MayWard

204
1
SHARE
Maymay Entrata-Donny Pangilinan

MAY fans club palang MayDon (Maymay Entrata-Donny Pangilinan). Katunayan nakatsikahan ko ang isang fan ng dalawa.

Maymay Entrata-Edward Barbers

Nakakaloka hindi na siya millennials dahil nasa early 50s. Aniya, pinapanood daw niya sa youtube ang dalawa at kinikilig siya sa samahan ng dalawa.

Ang solid fans raw kasi ni Maymay ay naiinis kay Edward Barbers dahil sobra raw kung bakuran nito ang kanilang idolo. Dahil MayWard loveteam ang binubuo ng ABS-CBN kaya ‘yung ibang video ng MayDon ay pinapasara nila. Pero ina-upload daw uli ng MayDon fanatics.

“Ang gagaling nga nilang gumawa, e.” Lahad pa ng aming kausap. Para sa fans ni Maymay mas bagay daw si Donnie sa young actress.

“Malakas ang chemistry nila at may similarity ang dalawa. Ang kanilang bibig saka pareho silang mabilis magsalita at jolly,” ani ng MayDon fan.

Pero, ngayon daw ay asar ang fans dahil makakasama ni Megastar Sharon Cuneta sina Donnie at Kisses Delavin sa concert na gaganapin sa Singapore niton Feb 10. Eh, yun daw ang araw na birthday ni Donnie. Ayaw din nila sa DonKiss loveteam dahil wala naman daw kabuhay-buhay ni Kisses as kapareha ni Donnie.

Hala, kapag nagkataon dalawang loveteam ang makakasalpukan ng MayDon, ang MayWard at DonKiss. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleKanilang bisyo ay serbisyo sa mga San Josenios
Next articleLovi nagliliwaliw sa Amerika kasama ang Hollywood actor boyfriend
BETH Gelena was formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section for almost two decades under former Julie Fe Navarro. Until she decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become a freelance and full pledged showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here