Home Taklesa Mayor Agila Natividad, patuloy ang pamamayagpag

Mayor Agila Natividad, patuloy ang pamamayagpag

151
0
SHARE

HABANG papalapit na ang midterm elections ay patuloy naman ang pamamayagpag ng Agila ng Bulacan na si Malolos City Mayor Christian D. Natividad.

Nasabi ko ito dahil kahit saan mang dumako ang inyong lingkod ang ay bukam-bibig ng mga Bulakenyo si Mayor Agila Natividad. Natanong ko rin ang aking sarili kung bakit pinag-uusapan si Agila Natividad gayong ang kanyang mahigpit na makakalaban ay aynakaupong bise-gobernador at kilalang kilala sa buong lalawigan dahil isa rin itong artista sa pinilakang-tabing.

Simple lang ang naging sagot sa ilang nakahuntahan ng inyong ka-Taklesa: “Tikman naman natin ang bago. Bata, agresibo at punung-puno ng adhikain at higit sa lahat ay isang abogado.”

Bagong lider o mamumuno ang kanilang gusto. Ayaw daw nila sa may edad na at nagpapalitan lang ng posisyon. Gusto umano nila ay isang bagong “polisiya” ng pagpapatakbo sa ating mahal na lalawigan.

Nais din ng masang Bulakenyo na isang abogado ang mamuno sa lalawigan tulad ni Mayor Agila Natividad. Subok na ang husay at katapatan sa paglilingkod dahil nagawa na niya ito ng siyam na taon o katumbas ng tatlong termino bilang alkalde sa Lungsod ng Malolos.

Kung nagawa niyang mapa-unlad at maging progresibo ang Malolos, magagawa niya rin ito sa buong lalawigan ng Bulacan.

Isa pang maitatanging katangian meron si Agila Natividad na wala ang ibang politika ay “KARISMA”. Ang pagiging karismatiko ni Mayor Christian ang isa sa kanyang mga katangian upang mapalapit sa mga Bulakenyo na kanyang nakakadaupang-palad.

Lubhang mahalagang may karisma ang isang politiko upang madali nitong makuha ang atensyon ng kausap at mapahanga ito. Iyan si Mayor Agila Natividad.

Kaya naman nakatatatak na sa puso at isipan ng mga kababayan natin ang naisa nilang maging pinuno. Nakaukit na rin sa kanilang mga isipan ang numero na lalagyan nila ng shade sa balota. Ang numero 6, na siyang numero si Atty. Agila Natvidad.

Kaya kung nais natin ng pagbabago tungo sa mas maunlad na lalawigan ay duon tayo sa numero 6. Numerong magbibigay saya sa mga kababayan nating Bulakenyo. Numero ni Mayor Agila Natividad.

Hanggang sa susunod na isyu po ng RONDA Balita. Batu-bato sa langit ang tamaan ay PIKON!

Para sa ibang balita, maglog-on sa www.rondabalita.news.

Babu!

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0917 205 3350. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleBuntis lumaklak ng pampalaglag, tigok!
Next articleCongratz! to PLTCOL HERYL L. BRUNO
ROSETH Eleogo Reyes or RR Eleogo is one of the owners of RONDA Balita. A single mother from Bulakan, Bulacan, and formerly an account officer and columnist of NewsCore, a local newspaper in Bulacan. She also worked in quality control department of Mighty Corporation. A part-time advertising representative of Remate, a national newspaper. She served as Director of Philippine Science Journalists Association Inc. Bulacan Chapter and member of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Bulacan Chapter. She won recently as Board of Directors of Bulacan Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here