Home Taklesa Mayor Christian ‘Agila’ D. Natividad, patuloy na lumalakas sa lalawigan ng Bulacan

Mayor Christian ‘Agila’ D. Natividad, patuloy na lumalakas sa lalawigan ng Bulacan

212
0
SHARE

KUNG bukas na gaganapin ang midtem elections, walang pasubali at pag-aalinlangan na uukit nang kasaysayan ang tunay na Agila ng Bulacan na si Atty. Christian D. Natividad bilang pinakabatang gobernador na manunungkulan sa lalawigan ng Bulacan.

Agila ng Bulacan, Christian Natividad

Bagyo ang dating ng “Anak ng Agila” sa bawat bayan o lungsod na kanyang dadapuan. Hindi magkamayaw ang mga tao at kanya-kanyang puwestuhan magisnan lang ng malapitan ang pinagmamalaking Agila ng lungsod ng Malolos.

Simple lang ang mga plano ng uupong gobernador na si Mayor Natividad sa Bagong Bulacan ng makapanayam ng inyong abang lingkod.

Kung ano daw ang nagawa niya sa lungsod ng Malolos ay yun ang gagawin niya sa dakilang lalawigan ng Bulacan.

Simple lang pero may plano para sa progresibo at may realidad. Hindi mahirap gawin dahil may pagbabatayan na.

Kumbaga, hindi kathang-isip lamang! May pagbabasehan.!

Isipin na lang natin kapag ang Agila ang ma­luloklok sa lalawigan ng Bulacan bilang gobernador, marahil wala nang pinakamasuwerte sa bansa kundi ang mga Bula­kenyo lang.

Kaya ngayon pa ang ay hilong-talilong na ang kanyang mga kalaban kung ano pang estretahiya ang puede pa nilang gawin upang mapigilan at hindi matuloy ang napipintong pag-upo ng Agila ng Bulacan bilang gobernador ng Bulacan.

Kapag nagkataon at pu­mabor ang suwerte kay Mayor Natividad, nakikinita-kinita ko na ang magiging larawan ng Bagong Bulacan sa pamumuno ni Agila.

Maunlad na lalawigan, progresibong probinsya at maaari nang maihanay sa mga mauunlad ng lalawigan sa bansa.

Kaya mga ka-Taklesa, saan pa tayo kundi dito na sa tunay na Agila ng Bulacan.

Hanggang sa susunod na isyu po ng RONDA Balita. Batu-bato sa langit ang tamaan ay PIKON!

Para sa ibang balita, maglog-on sa www.rondabalita.news.

Babu!

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0917 205 3350. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articlePebrero: Buwan ng Pag-Ibig
Next articleLegal na pagsasama at hindi kasal ang kailangan ng LGBT — Alunan
ROSETH Eleogo Reyes or RR Eleogo is one of the owners of RONDA Balita. A single mother from Bulakan, Bulacan, and formerly an account officer and columnist of NewsCore, a local newspaper in Bulacan. She also worked in quality control department of Mighty Corporation. A part-time advertising representative of Remate, a national newspaper. She served as Director of Philippine Science Journalists Association Inc. Bulacan Chapter and member of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Bulacan Chapter. She won recently as Board of Directors of Bulacan Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here