Mayor Christian D. Natividad, patok sa mga Bulakenyo

1
363

TILA wala nang makapipigil pa sa napipintong pamumuno ni Malolos City Mayor Atty. Christian D. Natividad bilang gobernador ng Lalawigan ng Bulacan sa taong 2019.

Halos kabi-kabila ang pangakong suporta na ipinaaabot kay Mayor Natividad bilang susunod na gobernador ng Bulacan.

Patok si Mayor Natividad sa saan mang parte pumunta o dumalaw sa lalawigan ng Bulacan. Sa kanyang angking karisma at husay sa pananalita ay ganun na lang kung mahumaling ang mga Bulakenyo.

Magalang, mabait at handang makinig sa problemang isinasangguni sa kanya ng mga dinadalaw na barangay.

Kaya ganun na lang ang pagbuhos ng suporta sa nasabing alkalde na handang maglingkod sa kanyang mga kababayan.

Magmula sa mga kabataan hanggang sa mga katandaan ay nagpahiwatig na ng kanilang pagsuporta sa batang alkalde gayundin ang mga kababaihan at grupo ng mga kalalakihan na malaki ang bilib at respeto sa kakayahan ng alkalde.

Sabagay, hindi lingid sa kaalaman ng mga Bulakenyo ang mga nagawa ni Mayor Natividad bilang alkalde ng Lungsod ng Malolos sa loob ng 3 termino. Bumulwak ang mga gustong mamuhunan sa nasabing lungsod kaya ganun na lamang kaunlad ng Malolos kung ihahalintulad sa mga mauunlad na lungsod sa bansa.

Marami ang kanyang mga napatapos ng pag-aaral dahil sa kanyang “scholarship program”. Nailapit ang mga eskwelahan sa barangay at nakapagpatayo ng ilang high school building sa lungsod ng Malolos.

Edukasyon, trabaho, at sports ay ilan lang sa mga nangungunang programa ni Mayor Natividad, isama pa rito ang mga programa sa katandaan, programa sa kalusugan at peace and order.

Kumbaga sa isang proyekto, maituturing na “package deal” na si Mayor Natividad kung mapupunta sa Kapitolyo ng Bulacan. Tapat sa tungkulin, mahusay mamuno, magaling makibagay, bata, masipag at handang maglingkod.

Madaling ibenta si Mayor Natividad sa mga hindi nakakakilala dahil sa kanyang husay sa iba’t ibang aspeto ng buhay. Isang abogado at may nalalaman pagdating sa batas.

Isang bagay pa ang magugustuhan kay Mayor Natividad ay hindi marunong tumanggi. Laging nakangiti at handang makinig.

Sa inyong palagay mga ka-Taklesa, akma bang maging gobernador ng Bulacan si Mayor Christian D. Natividad.

Hanggang sa susunod na isyu po ng RONDA Balita. Batu-bato sa langit ang tamaan ay PIKON!

Para sa ibang balita, maglog-on sa www.rondabalita.news.

Babu!

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0917 205 3350.

1 COMMENT

  1. Si Mayor Christian Natividad na nga ang karapat dapat na mamuno sa lalawigan ng Bulacan bilang Gobernador sa darating na 2019. Magaling, mabait, mapagkakatiwalaan, maaasahan at mapagkumbaba.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here