Home Showbiz Mayor Dan Fernandez proud kay Alden Richards

Mayor Dan Fernandez proud kay Alden Richards

287
0
SHARE

NAKATSIKAHAN namin kamakailan ang actor-pulitiko na si Sta. Rosa, Laguna mayor Dan Fernandez.

Bilang taga-Sta. Rosa, Laguna, very proud ang butihing mayor na ang sikat na actor ng GMA-7 na si Alden Richards ay sa kanyang nasasakupan nakatira.

Ani Mayor Dan: “Very proud kami kay Alden. Napakabait niya. Imagine kapag may events dito sa Sta. Rosa andyan agad siya. 6 o 7 a.m. mag-umpisa ang programa dumarating siya. Nag-i-stay siya ng matagal. Never ko siya nakitaang naiinip. Saka hindi siya nagpapabayad. Lahat ng imbitasyon namin libre. Nakatutuwa nga eh. Kaya naman mahal na mahal siya ng Sta. Rosa.”

What if naisipan ni Alden na pasukin din ang politika? Tanong namin kay Mayor Dan.

Sagot ng butihing mayor: “’Wag na muna. Kailangan namnamin muna niya kung nasaan siya ngayon. Nasa peak siya ng kanyang career. Marami siyang napapasayang tao. Saka ang pagpasok naman sa pulitika, may calling ‘yan. Tulad sa akin. Nang pinasok ko ang pulitika handa ako sa lahat ng bagay. Alam kung bakit ginusto ko tahakin ang maging isang public servant.”

Samantala, hindi itinanggi ni Mayor Dan na name-miss na rin niya ang showbiz. Three years ang pinakahuli niyang pelikula na nagawa, ang Honor Thy Father. “Naging kontrobersyal pa ‘yun, di ba?” aniya.

Kwento ng actor-pulitiko may gagawin daw siya na isang action-thriller movie na Hawa ang title. “Bida rito si Brandon Vera, iyong Martial Artist. Isa itong zombie movie, parang ‘Trip To Busan’ and we’re trying na makapasok ito sa MMFF!”

Regarding his political career, sa darating na eleksyon, pinag-iisipan daw niya kung mayor muli o congressman ang kanyang tatakbuhin. Pinag-iisipan pa raw niyang mabuti. Pero Malabo raw ang Laguna Governor. Nabanggit din ni Dan na tatakbo sa 2019 elections ang dati ring artista, ang former Laguna Governor ER Ejercito.

Sa mga hindi nakakaalam, si Dan ay isang doktor bago pa nag-artista, he is an optometrist, doktor sa mata — at nang mapasok sa politika, naging Board Member siya, Vice Governor, Congressman, at ngayon ay Mayor. First termer mayor siya ngayon at hindi pa nakapagde-decide kung ano ang tatakbuhin sa susunod na eleksyon. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleMariel siniguro na siya lang ang babae ni Robin P.
Next articleBoy Abunda, hindi tatakbo sa 2019 elections
BETH Gelena was formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section for almost two decades under former Julie Fe Navarro. Until she decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become a freelance and full pledged showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here