Home Usapang Bulakenyo Mayor Eladio Gonzales Jr., masipag at tapat na naglilingkod sa Balagtas

Mayor Eladio Gonzales Jr., masipag at tapat na naglilingkod sa Balagtas

32
0
SHARE

BIHIRA akong pumuri sa isang lingkod bayan, lalu na’t sa isang Mayor ng isang bayan o siyudad, kaya lang kita pupurihin kung talagang nakita ko na ikaw ay tunay na gumaganap sa iyong bayang pinaglilingkuran ng buong husay at katapatan.

Mayor Eladio Gonzales Jr. of Balagtas

Ganyan ko nakita ang kahusayan at katapatan sa paglilingkod ni Balagtas, Bulacan Mayor Eladio Gonzales Jr., o mas kilala sa tawag na Mayor JR Gonzales, oooops, sandali lang, hindi dahil ako’y taga Balagtas kaya ko pinupuri si Mayor JR, nagkakamali po kayo, marahil kung mababasa ng mga taga Balagtas itong kolum ko ay tiyak mag-aagree sila sa aking sinasabi, maging hindi kayo taga Balagtas ay tiyak na sasang-ayon kayo kayo sa akin, dahil saksi kayo sa mga malaking pagbabago ng bayan ng Balagtas.

Tunay na umunlad, naging masagana at kaaya-aya ang bagong mukha ng Balagtas, ang mga bagong negosyo na nagsulputan sa nasabing bayan, ang mga bangko, malalaking establisyamento, maunlad at mapayapang pamayanan at maayos na kalsada, ang lahat ng yan ay dahil sa mahusay at matalinong pamamalakad ni Mayor JR.

Malaki ang tiwala ng mga mamumuhunan o mga negosyante na sa bayan ng Balagtas sila mag negosyo dahil sa tiwala nila sa mahusay na pamamalakad ni Mayor JR.

Halos lahat na nga yata ng malalaki at kilalang bangko ay mayroon sa Balagtas, di ba nga sabi ng marami, kapag ang bayan mo ay hitik sa bangko, ang ibig sabihin ay maunlad at progresibo ang bayan mo.

Maganda at maayos na kalsada, saan ka makakakita ng napakaayos na kalsada ngayon, di ka na makakaranas ng heavy trapik dahil sa pinalapad at pinagandang kalsada, ang mga traffic enforcer ay maayos na ipinatutupad ang batas trapiko, ang mga tricycle ay mayroong maayos na terminal, ang bawat mamamayan ay may disiplina lalu na sa pagtatapon ng basura at higit sa lahat, ang pagbaha sa ilang mga barangay sa bayan ng Balagtas ay unti-unti ng nareresolba dahil sa walang humpay na paglilinis ng mga drainage at pagpapalalim sa kailugan ng nasabing bayan at ang paglalagay ng sariling pumping station upang tuluyan ng walang maranasang pagbaha sa bayan ng Balagtas.

Lahat ng mga yan ay dahil sa masipag na pakikipag ugnayan ni Mayor JR sa mga matataas na opisyal ng ating bansa para matulungan ang ating bayan at mabigyan ng ayuda sa mga kapakipakinabang na mga proyekto na tiyak na pakikinabangan ng mga Balagtaseño.

Maswerte tayong mga Balagtaseño sa pagkakaroon natin ng mahusay, matalino, tapat at masipag na ama ng bayan, patuloy po sana nating ibigay ang ating taos pusong suporta sa ating Punong Bayan ng Balagtas, Mayor Eladio Gonzales Jr. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here