Mayor Emeng Pascual, ’alang kapaguran sa pagtulong sa mamamayan ng Gapan

0
201
An opinion column by Louie C. Angeles

SINO pa kayang elected official ang makahihigit sa kasipagan ni Mayor Emerson Pascual ng Lungsod ng Gapan. Wala pa umano ang coronavirus ay lagi nang nakasuporta ang alkalde sa anumang pangangailangan ng kanyang mamamayan.

Nakita naman natin sa kanyang social media account ang pagbibigay ng ayuda sa lahat ng mamamayan maging mayaman o mahirap ay abot kamay sa mahigit tatlong-buwan na kinakaharap na krisis sa panahon ng pandemya.

Ayon nga kay Mayor Emeng, kung nagpatuloy parin ang ECQ o MECQ nakahanda pa rin ang Pamahalaang Lungsod na muling magkaloob ng isang kabang bigas at P2,000.

Dahil wala umano silang ginalaw sa pondo ng lungsod para magamit sa pagkakaloob ng ayuda sa panahon ng pandemya.

At ang pinakamahalaga ay matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan ng Gapan. Kahit ngayong nasa General Community Quarantine ang naturang siyudad ay pinakikiusapan ni Mayor Emeng na huwag maging kampante at iwasan paring lumabas ng tahanan ang mga mamamayan kung wala namang importanteng lakad.

Panatilihin pa rin ang kalinisan at laging magsuot ng face mask para makaiwas sa COVID-19 dahil sa kasalukuyan ay nananating pa ring COVID free ang nasabing lungsod dahil na rin sa pakikipagtulungan ng mamamayan sa pamahalaan laban sa nakamamatay na sakit.

Anumang pagsusumikap ng Pamahalaang Lungsod ng Gapan na magtagumpay laban sa pandemya kung hindi naman nakikisa o susunod ang mamamayan sa panuntunang pinapairal ay hindi makakamit ang anumang tagumpay.

Prayoridad ni Mayor Emeng Pascual at ng buong Sangguniang Panglungsod ang pagkakaloob ng internet connection sa bahay ng bawat mag-aaral sa home study na ipapatupad ng ng Kagawaran ng Edukasyon sa pagbubukas ng school year 2020-2001.

Pinag-aaralan na rin ng alkalde na mabigyan ng gadget ang bawat estudyante mula sa elementary, High School at hanggang college na magagamit sa pag-aaral.

At dahil may mga guro na humihiling ng laptop computer na nagagamit nila sa kanilang pagtuturo sa kanilang mga estudyante, ayon kay Mayor Emeng ay pagsusumikapan ng Pamhalaang Panlungsod na mabigyan ang mga teachers ng laptop na kanilang gagamitin sa pagtuturo sa darating na pasukan. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here