Mayor Goto, sa kanyang Kaarawan

0
157

NAGDIWANG ng kanyang Ika-59 kaarawan si San Rafael Mayor Cipriano “Goto” Violago, Jr, nitong Agosto 1, 2020 ng isang simpleng salo-salo lamang ang naganap sa piling ng kanyang pamilya taliwas sa nakasanayan ng pagdiriwang taon taun na bukas para sa lahat mula ng siya ay manungkulan bilang lingkod bayan sa kanilang minamahal na bayan.

Dahil sa pandemyang kinakaharap ng buong mundo dulot ng Corona Virus desease o Covid-19 ay binago nito bigla ang ating pamumuhay.

Sa kabila nito, di ito naging hadlang kay Mayor Goto na mapasaya at maging bahagi ng kanyang kaarawan ang kanyang mga kababayan kung kaya’t bago sumapit ang kaarawan nito ay pinasimulan niya ang pamamahagi ng ika-8th batch ng welfare goods para sa mga pamilyang lubos na nangangailangan.

Umabot na sa 13 barangay ang pinagkalooban ng tulong mula sa Pamahalaang Bayan ng San Rafael.

Ang mga Punong Barangay at kanilang mga opisyal ang naatasang magpamahagi nito sa kanilang mga kabarangay.

Kaugnay nito patuloy pa rin ang pagre-repack ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan para sa mga natitira pang mga barangay.

Tanging hiling lamang ni Mayor Goto sa lahat ng kanyang mga kababayan ay sumunod sa utos ng gobyerno, mag suot ng face mask, palagiang maghugas ng mga kamay, panatiliin ang social distancing, huwag lumabas kundi rin lang kailangan at higit sa lahat palakasin ang immune system.

Dalangin din ni Mayor Goto na sana matapos na ang pandemyang kinakaharap natin maging ng buong mundo.

Happy Birthday Mayor Goto… Keep up the good work and more power! (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here