Home EXTRAFONTS Mayor Isko, mabuting ehemplo

Mayor Isko, mabuting ehemplo

25
0
SHARE
Opinion Column by Manny Camua Dela Cruz

UMANI nang papuri buhat sa iba’t ibang sektor ng lipunan, mga karaniwang mamayan, maging ng mga nakaririwasa sa buhay ang mga pagbabagong nangyayari ngayon sa Lungsod ng Maynila, buhat nang manungkulan bilang ama ng siyudad si Mayor Francisco “Isko” Moreno.

Pagkaupo pa lang sa puwesto ay kaagad ipinalinis ni Mayor Isko ang daang Divisoria. Ipinaalis niya ang lahat ng road obstructions tulad ng mga tindahan na nakapuwesto mismo sa kalsada.

Isinunod namang linisin ang Bonifacio Shrine, sa Plaza Lawton, pati na ang mismong monumento ni Supremo Andres Bonifacio ay binaboy ng mga taong-kalye kaya binomba ng water cannon ang lugar ng monumento.

Sa lugar ding iyon nakatapak ng tae si Mayor Isko at sa tindi ng galit ng alkalde ay sinibak ang precinct commander na nakatalaga sa naturang lugar. Maging ang Carriedo St., na dating puno ng mga malalaking payong ng mga nagtitinda sa mismong kalsada ay malinis na at nadadaanan na ng mga sasakyan.

Ikinatuwa naman ng mga senior citizen ng Maynila ang ginawang paghimok ng pamahalaan ng lungsod ng Maynila sa lahat ng fastfood chain sa siyudad na tumanggap ng mga manggagawang senior citizen at persons with disabilities (PWDs) sa kanilang mga business establishment.

Ayon sa ulat, nagbigay na raw ng kautusan si Mayor Isko sa kanyang inatasang tauhan para kausapin ang mga fastfood chain owner na mag-hire ng mga kababayan nating may edad na pero may kakayahan pang magtrabaho at siyempre, physically fit pa rin.

Tungkol naman sa kaaayusan, walang ibang mabisang formula para mapaganda at maisaayos ang kalagayan ng isang siyudad o munisipalidad kungdi ang POLITICAL WILL. Kapag ang formula na ito ang ginamit ng lahat ng town at city executives ay walang dahilan para hindi nila maisaayos ang kani-kanilang nasasakupang mga lugar.

Ang hirap kasi, mayroong mga halal ng bayan na ang inuuna ay ang kanilang mga personal na interes at hindi ang interes ng nakararami. Sa halip na ang proteksiyonan ang kapakanan ng kanilang mga kababayan ay ang pinoproteksiyonan ang ay ang kanilang kabuhayan.

Ito naman kasing mga botante ang dapat sisihin kung bakit naluluklok sa poder ng kapangyarihan ang mga pulitikong hindi karapat-dapat sa public office. Nabigyan lang kasi ng five hundred pesos noong panahon ng kampanyahan ay halos ibenta na pati ang kanilang mga kaluluwa.

Sana naman, sa susunod na eleksiyon ay pumili kayo ng mga kandidato na katulad ni Manila Mayor Francisco Moreno Domagoso, para magkaroon ng kaayusan ang inyong mga bayan at siyudad. Ang pinunong ipinapatupad ng buong higpit ang batas, partikular ang batas panglansangan.

Alam naman natin na ang kalsada ay para sa mga sasakyan at hindi para pagtindahan. Maging ang bangketa ay para sa mga taong dumadaan hindi para pagtayuan ng stalls na karaniwang nakikita sa mga lugar na ang mga alkalde at mga punong barangay ay walang political will. (RONDA BALITA Online)

SHARE
Previous articlePinoy pentathletes rule SEA Games test event
Next articleVillar formally opens Aguinaldo-Daang Hari Intersection Flyover to motorists
SI Manny Camua Dela Cruz ay hindi nag-aral ng kursong dyornalismo, subalit naging bihasa sa pagsusulat ng balita, lathalain at sanaysay. Ang kanyang talento ay pinanday ng mahabang karanasan sa larangan ng pamamahayag: Photo journalist sa simula; kalaunan ay naging provincial correspondent ng iba't ibang mga pahayagang nasyonal, naging reporter ng national dailies sa Kamaynilaan at naging editor ng national tabloid, naging editor ng national weekly news magazine. Sa kasalukuyan ay editor/editorial consultant ng ilang provincial-based newspaper sa Bulacan, kolumnista at contributing editor/writer nitong Ronda Balita Online/Weekly Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here