Home Taklesa Mayor Jessie de Jesus, itutuloy ang ikatlong termino ng paglilingkod!

Mayor Jessie de Jesus, itutuloy ang ikatlong termino ng paglilingkod!

33
0
SHARE

ISA sa maituturing na mahusay na alkalde sa Bulacan si Mayor Jessie de Jesus ng bayan ng Calumpit.

Sa kanyang husay at tapat na paglilingkod, ibinaba niya ang tulong ng munisipyo sa mga barangay. Sinasadya niyang punta­han ang mga barangay na sakop ng naturang bayan upang alamin ang pangunahing mga ki­nakailangang tulong ng mga Calumpiteño.

Kaya naman sa kan­y­ang pagtakbo nung na­karaang halalan 2019 ay wala nang malakas ang loob na labanan si­ya dahil nakikita nila ang ginagawang paglilingkod ni Mayor Jessie sa mamamayan ng Calumpit.

Walang bahid pulitika. Walang gustong gawin kundi matulungan ang mga nangangailangang mga kababayan. Kaya naman sa 15 barangay na Calumpit ay nakakuha ng 37,102 boto si Mayor Jessie.

Sa dami ng kalamidad na dumaan at tumama sa bayan ng Calumpit sa nakaraang 5 taon sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Jessie ay nakayang malagpasan ito ng mga Calumpiteño sa pangunguna ng kani­lang alkalde.
Ilang bagyo at malawakang baha ang sinu­ong ni Mayor De Jesus maibigay lang sa mga kabababayan ang bitbit na tulong ng munisipyo.

Kaya ganun na lamang kung mahalin ng mga Calumpiteño ang kanilang butihing alkalde na walang inisip kundi ang kanilang kapakanan.

Sa mga darating mga araw, ibang Calumpit na ang magigisnan sa lalawigan ng Bulacan. Bayan na mas progresibo dahil sa pagpasok ng mga investors. Bayan na may mataas na antas na kabuhayan ang mamamayan.

Marami ng mga establisyemento ang na­mu­muhan sa naturang bayan at ang pinakahuli ay ang pagpasok ng sikat na food-chain na Jollibee.

Kasalukuyan na itong ina­ayos ng naturang al­kalde katuwang ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan upang maging maayos ang pagtatayo ng Jollibee sa bayan ng Calumpit.

Ipinaaabot rin ng aking mga kamag-anakan na nakatira sa Calumpit ang kanilang pasasa­lamat kay Mayor Jessie. Dahil sa hirap na naranasan nito sa loob ng 5 taong paninilbihan sa taumbayan ay ninais pa nitong tapusin ang kanyang termino hanggang 9 na taon.

Mayor Jessie de Jesus, mahal ka ng mga Calumpiteño at ipakikita nila at ipadarama sa iyo ang pagmamahal na ito hanggang matapos mo ang iyong ikatlo at hu­ling termino.

Napakasuwerte ng mga Calumpiteño sa pag­kakaroon ng pu­nong-bayan na katulad ni Mayor Jessie de Jesus.

Mabuhay ka Mayor De Jesus. Mabuhay ang bayan ng Calumpit.

Hanggang sa susunod na isyu po ng RONDA Balita. Batu-bato sa langit ang tamaan ay PIKON!

Para sa ibang balita, maglog-on sa www.rondabalita.news.
Babu!

Kung may tanong, su­hes­tiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0917 205 3350.

SHARE
Previous articleBulacan police joins ‘2019 Brigada Eskwela’
Next articleMahalaga ang makinarya sa pulitika
ROSETH Eleogo Reyes or RR Eleogo is one of the owners of RONDA Balita. A single mother from Bulakan, Bulacan, and formerly an account officer and columnist of NewsCore, a local newspaper in Bulacan. She also worked in quality control department of Mighty Corporation. A part-time advertising representative of Remate, a national newspaper. She served as Director of Philippine Science Journalists Association Inc. Bulacan Chapter and member of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Bulacan Chapter. She won recently as Board of Directors of Bulacan Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here