Mayor Joni Villaneuva-Tugna, isang dakilang lingkod bayan

0
495
An opinion column by Louie C. Angeles

DAHIL sa biglaang pagkamatay ng Ina ng bayan ng bocaue, mistulang isang pamilya na nagdadalamhati ang bawa’t mamamayan na labis na nalumbay sa pagkawala ng kanilang Ina na laging kumakalinga sa kanyang anak.

Lalo noong kasagsagan ng isyu sa COVID-19 kung saan kahit na may problema sa kalusugan dulot na rin ng sobrang stress sa pagta-trabaho para bayan ay hindi niya alintana kung ano ang mangyayari sa kanyang buhay magampanan lamang niya ang kanyang tungkuling mabigyan ng ayuda ang lahat ng mamamayan sa panahon ng pandemya.

Umugit sa kasaysayan sa Bayan ng Bocaue ang pagbibigay galang at pagdadamhati ng bawa’t mamamayang bukawenyo ng gawin nila ang Luksang Bayan kung saan sabayang nag sindi ng kandila at inilagay sa timba ng food pack na ginamit ni Mayor Joni sa pagbibigay ng ayuda habang naka-quarantine ang mga mamamayan noong panahon ng Enhance Community Quaranthine o ECQ.

Higit na nakilala ang kabutihang loob ni Mayor Joni ng tulungan niya ang mga magsasaka ng gulay sa norte para bilin ng pamahalaang bayan ang mga gulay at ito ang gawing bahagi ng ayuda na ipamamahagi sa lahat ng mamamayan para maging masustansya ang pagkain sa hapag kainan ng mga bukawenyo na magpapalakas sa kalusugan ng mga mamamayan lalo na ang mga senior citizen.

Sa dakilang lingkod sa bayan itong Mayor Joni Villanueva-Tugna, sa kanyang ipinamalas na paglilingkod na may puso sa lahat ng mamamayan ng bocaue. Dahil hindi matatawaran ang kanyang ginawang ginawa na pagkalinga sa kanyang kapwa hindi bilang ina ng bayan kundi isang pagtalima sa dakilang utos ng Diyos na mahalin ang kapwa gaya ng pagmamahal sa sarili. Dito din niya ginamit ang kanyang kakayahang magmahal sa lahat ng mahihirap na mamamayan.

Marahil lingid sa kaalaman ng ilan nating mamamayan at ilang lingkod bayan ang ilang katangiang taglay ni Mayor Joni, gaya na lamang sa pagpapa-aral sa kolehiyo na kahit sarili niyang penasyal ay nilalaan niya mabigyan lamang ng magandang kinabukasan ang mga kabataang bukawenyo at iba pang kabataan kahit di kababayan ay kanyang natutulungan basta kaya niyang tulungan na makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo.

Iyan si Mayor Joni Villanueva-Tugna, na dapat ay naging huwarang lingkod bayan na dapat ay masundan ng mga Barangay Captain, Kagawad, SK Chairman at SK Kagawad ang ipinamalas na kasipagan ni Mayor Joni sa bawa’t barangay at buong bayan ang tunay na paglilingkod na may puso sa bawa’t mamamayan.

Kaya naman maging ang Senado ay binigyan si Mayor Joni ng pagkilala sa pagiging isang magandang ehemplo ng tunay na lingkod bayan na nag-alay ng kanyang buhay sa kanyang mamamayan. Thank You Mayor Joni Villanueva-Tugna, sa iyong wagas na pagmamahal sa iyong mamamayan at sa Dakilang Bayan ng Bocaue. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here